|
|
|
| Hong Kong.. | |
| | Author | Message |
---|
~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Hong Kong.. Fri Feb 27, 2009 6:32 pm | |
| mga kaibigan, ito po ay tungkol sa pagbisita ko sa Hong Kong noong nakaraang taon *08*..gumawa ako ng kwento tungkol sa mga nakakatuwa at unforgettable moments ko sa Hong Kong, dinagdagan ko na lang ng konting katarantaduhan para more realistic at maganda ang tempo ng storya at hindi lang siya sa paglibot ko sa Hong Kong umiikot ang storya..pasensya na kung walang originality pero, ginaya ko na rin ang style ni manix na walang pangalan ang mga character para pwede niyong isipin na sa inyo nangyayari ang kwento..hehe:)
nasimulan ko siya mid-December, at sinabi sa sarili na tatapusin ko ito bago matapos ang 08 pero dahil sa busy sa school, tinamad, at nauubusan ng idea ay wala pa ako sa climax ng storya..hehe pero mahaba-haba na rin, sana ma-enjoy at magustuhan niyo :) :ani_no1:
Last edited by ~kEi on Fri Feb 27, 2009 7:03 pm; edited 1 time in total | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: One Fri Feb 27, 2009 6:46 pm | |
| Chapter One: So far away...‘..This is my life; it’s not what it was before, all these feelings I’ve shared. And these are my dreams that I’ve never lived before. These are my words; that I’ve never said before. I think I’m doing okay. And this is the smile that I’ve never shown before.somebody shake me ‘cause I, I must be sleeping…’HONG KONG Alas-diyes ng umaga, kakalapag ko pa lang mula sa eroplano dito sa airport ng Hong Kong. Nilisan ko ang bansang Pilipinas dahil sa isang mapait na alaala’t karanasan. Isang taon na rin ang nakakalipas nang halos sirain ko ang buhay ko dahil sa pagibig. Simple lang naman ang kwento noon eh, nasayang ang mahigit dalawang taong paghihintay sa babaeng minamahal ko na magustuhan din niya ako. Matagal na akong nagpaparamdam na gusto ko siya, pero hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan siya o sadyang manhid lang siya sa mga ginagawa ko. Masaya naman kami noong magkaibigan pa lamang kami pero nag-iba na nang nagsimula akong manligaw. Lumamig ang pakikitungo niya sa akin: hindi na niya ako masyadong pinapansin, madalas ay hindi na niya sinasagot ang mga text ko sa kanya, at hindi na rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Simula nang manligaw ako, tatlong lalaki ang naging karibal ko pero lahat sila, sinagot niya. Halos mabaliw ako nang nakita ko silang magkasama noong isang araw, at pinayuhan na ako ng best friend ko na tigilan na ang kahibangan kong ito. Kamuntikan ko nang sirain ang buhay ko: araw-araw akong umiinom ng serbesa, ilang kaha ng sigarilyo ang nahihithit ko kada araw, at makailang ulit ko nang sinubukang maglaslas ng pulso sa lungkot at sa inis sa sarili. Nawalan ako ng respeto, tiwala at pagmamahal sa ibang tao, lalong-lalo na sa sarili ko. Pero heto ako, pinipilit kong bumangon mula sa sobra-sobra kong pagkakadapa. Nagtapos ng kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management, at nangangarap na makakuha ng trabaho sa bansang hindi ko kinalakihan, kung saaan walang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko. Pilit kinakalimutan ang mga nangyari sa akin dahil nagustuhan ko ang aking kababata. At pilit bumabawi sa mga kasalanan ko sa sarili dahil nagmahal ako – letseng pagibig ‘to. Ganito pala sa Hong Kong – International airport pa lang marami nang tao, paano pa kaya sa labas? Pagkatapos ko sa immigration, baba agad ako. Sumusunod lamang ako sa daloy ng mga tao, at nagaantay kung saan nila ako dadalhin. Pagkababa ko sa escalator, natuwa ako ng makakita ako ng subway. Biruin mo, may tren sa loob ng airport? Pagkatapos ko sa tren, umakyat naman ako ulit sa escalator at lumabas na ng airport. Ang sarap ng ihip ng hangin, malamig! Although hindi pa nagpa-pop ang tenga ko mula sa pressure sa himpapawid, naririnig ko pa rin ang ingay ng kalsada na mga double-decker bus ang naghahari. Halos puno na ang bus na nasakyan ko pero may linya naman doon na kapag lumagpas ka roon, hindi ka na pwede pang sumakay. Bumyahe ang bus sa paligid ng Hong Kong. Nakita ko ang ganda at linis ng bansang ito. Walang-wala ang bansang pinang-galingan ko: basura, bulok, nakakadiri. Tung Chung Crescent ang destinasyon ko. Last terminal pala ng bus ang Tung Chung kaya sakto lang, at sa harap pa nito ang hinahanap kong hotel. Hmm, 7A ang room na binigay sa akin ng utol ko na naninirahan dito. Pagpasok ko sa hotel, agad akong sinalubong ng receptionist. “..Good morning Sir, may I help you?..” bati sa akin nito. “..uhm good afternoon..I’m looking for room 7A, my brother lives there..” “..ahh, right this way Sir..floor number seven..” turo sa akin ng receptionist sa elevator. Ang ganda ng elevator nila, parang salamin dahil makikita mo ang reflection mo. Makalipas ng ilang segundo ay narating ko rin ang kwarto. Pagbukas ko, nasuprise ako sa ganda nito. Malinis, malamig at kitang-kita mo ang dagat at mga taong naglalakad-lakad sa kalsada. Nilibot ko ang buong kwarto. Mayroon itong sala, kusina, banyo, at tatlong kwarto. Una kong inispeksyon ang kusina. Punong-puno ang ref nito ng mga Chinese products at ang tanging nakita ko lang na hindi Chinese ang nakasulat ay Coke Zero. Kumuha ako ng isang bote ng mineral water, ang Watson water. Inisip ko kung kunektado ito sa drugstore sa ‘Pinas, yung Watsons. At ang model nito ay si Wu Chun, miyembro ng boy band na Fahrenheit. Nagpatuloy ako sa aking paglilibot, sinunod ko ang sala. Maganda ang sala nila, maluwag at malinis. Kitang-kita mo rito ang cable car na nakapalibot sa bundok. Sunod kong tiningnan ang unang kwartong malapit sa akin. May nakita akong picture doon ng isang lalaki, siguro mga mas bata sa akin ng sampung taon, malamang anak ni Kuya. Paglabas ko ng kwarto, may kumatok sa pintuan. Si Kuya na siguro yun. “..hey ‘bro, what’s up?!..” bati sa akin ni Kuya pagbukas ko ng pintuan. “..Kuya!..‘musta na?!..” sagot ko kay Kuya habang akap-akap ko siya. Mahigit labin-limang taon na rin kasi kaming hindi nagkita dahil gusto niyang magtrabaho abroad at dito sa Hong Kong siya nakakita ng oportunidad, at dito na rin siya nagka-pamilya. At syempre, umaasa rin ako na makakakita rin ako ng oprtunidad dito, at kung maari, pati na pamilya. “..okay naman ako, kami ng asawa ko at ng anak ko..” Pumasok na si Kuya at umupo kami sa sala at nagkwentuhan. “..ikaw?..kayo ni ---..” inunahan ko na si Kuya. “..wala..wala rin naming nangyari, parang naging gago lang ako sa kakahintay sa kanya..” sagot ko habang nakayuko at mahigpit ang hawak sa bote. “..h-ha?..ibig sabihin, walang nangyari sa mahigit ilang taon mo nang paghihintay sa kanya?..” “..oo..” “..hah!..” asar sakin ni Kuya. “..hindi ka kasi nakikinig sa akin eh, yan tuloy!..eh ‘di sana umabot pa kayo ng ilang taon niyan!..” “..hindi ba nakwento sa’yo ni Ate?..” tanong ko. “..oo, alam ko..” biglang sumeryoso ang kaninang nakangiting mukha ni Kuya. Malamang ay naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Bigla niya akong inakbayan. “..kalimutan mo na yan..ano naman balak mo, bunso’y?..” tanong niya sa akin. “..wala pa sa ngayon..relax muna ako, magbabakasyon, pahinga at ‘pag nagtagal, maghahanap na rin ako ng trabaho..” “..mabuti yan, maraming magagandang destinasyon dito sa Hong Kong..may Disneyland, pwede kang tumawid ng dagat at mamasyal sa Macau, at maglakad-lakad sa buong isla..” “..hmm, kailangan ko ngapala ng mga damit at ibang gamit..nakakahiya naman kung uubusin ko ang laman ng ref niyo dito ano?..” sagot ko at inaangat ko ang bote ng mineral water. “..ay ano ka ba, ayos lang yan!..kung wala kang makain, may 7-11 sa baba..nagpapalit ka na ba ng dollars?..” tumango ako. Makalipas ng ilang minutong kwentuhan at angasan, nagpaalam na sa akin si Kuya. Pagkaalis niya ay nag-init ako ng mainit na tubig at kumupit ng cup noodles sa estante. Tinitigan ko ang labas ng condo ko habang humihigop ng mainit na sabaw ng pansit. Ang ganda ng paligid, maaliwalas. Mukhang makakabangon na rin ako sa pagkakadapa ko nung isang taon. Sa wakas, nakahanap din ako ng katahimikan sa magulo kong buhay sa ‘Pinas. At sa wakas din, makakalimutan ko na rin ang babaeng nagbigay pasakit sa buhay ko. Paalam na. | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Fri Feb 27, 2009 6:50 pm | |
| Chapter Two: Fast car... ‘..I remember we were driving, driving in your car. The speed so fast I felt like I was drunk, city lights lay out before us. And your arm felt nice wrapped 'round my shoulder. And I had a feeling that I belonged. And I had a feeling I could be someone, be someone, be someone...’
Pagkatapos kong magpahinga sa condo unit, lumabas na ako at nagsimulang naglakbay. Mga alas-dos na rin yun, at katirikan ng araw. Kung nasa Pilipinas pa ako, malamang nasa kwarto lang ako nito: nanonood ng Wowowee o malamang humihilik. Pero nasa ibang lugar na ako, oras nang baguhin ang mga ginagawa kong walang katuturan noon. Kaya heto ako sa bansang Hong Kong, palabas ng condo para magshopping sa sinabi sa akin ni Kuya na Mong Kok. Bagsakan daw ng presyo doon parang Divisoria, pero hindi mo na kinakailangan pang maglakbay ng God-have-mercy na layo dahil dito sa Hong Kong, ilang lakad lang mula sa condo unit na tinitirhan ko, station na ng MTR train. “..good afternoon Sir!..” bati sa akin ng receptionist habang tinutulungan akong buksan ang malaki’t mabigat nilang pintuan. Unang liko pa lang, nakita ko na kaagad ang 7-11. Pumasok ako doon para mamili ng mga pagkaing kakailanganin ko sa paglalakbay sa lugar na hindi ko naman kabisado. At pagkatapos ng halos limang minutong pagtambay sa harap ng estante ng inumin at pagkain, nakapili rin ako ng aking bibilhin. Bumili ako ng tubig pero hindi na siya Watson’s Water. Hindi ko mabasa ung label kasi Chinese ang nakasulat pero may nakita akong drawing ng lemon sa label. Pagdating ko sa station ng MTR, laking gulat ko nang wala akong makitang ticket booth. Sa MRT kasi sa atin, malapit sa hagdan paakyat ng station ang bilihan ng ticket, pero dito, nasaan? “..uhmm excuse me, where can I buy my ticket to Mong Kok?..” tinanong ko ang isang teenager na Chinese na nakatayo sa may entrance, naninigarilyo. “..there..there..” Yun lang ang sinabi niya sa akin, malamang hindi siya fluent magsalita ng English. Tinuro niya ako sa isang machine, na may malawak na screen. Nang lapitan ko yun, may mapa ng Hong Kong at kita mo dito ang ruta ng MTR. Hinanap ko kaagad ang babaan ko sa Mong Kok mula sa Tung Chung. Ang gulo ng mapa: may anim itong kulay, malamang yun ang mga ruta. Ang kulay ng Tung Chung ay yellow pero ang kulay ng Mong Kok ay pula. Ano ito, gaguhan – lilipat ng linya ang tren na sasakyan mo? Pero may napansin akong kakaiba sa mga kulay kasi may ibang station na naka-kunekta sa ibang kulay. Hinanap ko ang station na naka-kunekta sa Tung Chung at sa Mong Kok. Sa Hong Kong ako bababa at sa Central ako sasakay, at may ruta na doon para sa Mong Kok. Hmm, medyo mura din pala ang pamasahe dito, $15 lang from Tung Chung to Hong Kong. Ang tagal kong nakatayo doon sa bilihan ng ticket ng tren, halatang turista ako.
Pagkabili ko, baba agad ako para pumunta sa sakayan ng tren na subway. Maraming nag-aantay ng tren doon at sa hindi kalayuan, may napansin akong Pinoy. Nilapitan ko ito. “..uhmm hi, are you a Filipino?..” tanong ko. “..hey kabayan!..” bati sa akin ng Pinoy na nakausap ko. Nagkwentuhan muna kami dahil three minutes pa bago dumating ang tren. “..saan ka punta, kabayan?..” tanong ng kausap ko. “..sa Mong Kok..bibili kasi ako ng mga damit..” sagot ko habang tinuturo ko ang Mong Kok sa mapa nito sa may poste. “..damit ba kamo?..ay dapat sa ano ka, sa Tsim Sha Tsui!..” sagot nito. “..doon ang tiangge ng mga damit, bagsakan talaga at ang mumura pa!..” “..ah eh wala ho bang bilihan ng damit sa Mong Kok?..” tanong ko na may halong pagaalala dahil baka mali ang pagkakarinig ko sa binigay sa akin na lugar ni Kuya. “..meron, mall ang sa may Mong Kok..mga orig pero mura rin naman..saan ba ruta mo?..” tas kinwento ko ang kalokohan ko sa tapat ng ticket machine at ang ruta ko. “..ay kabayan, dapat sa Lai King ka na lang bumaba..kung sa Hong Kong ka pa, malayo-layo pa ang lalakarin mo bago ka makarating sa Central terminal..” sagot ulit ni Manong. Puro ako mali, tae. “..pasensya na po, turista kasi ehh..” palusot ko habang nakangiti. “..sus, ganyan din ako nung first time ko rito..pero masasanay ka din..” kwento ni Manong. Ang tagal naming nagkwentuhan, at natapos yun nang bumaba siya sa Olympic station. Solo-flight na naman ako sa tren, walang kausap at walang kasama. Buti na lang at ilang station na lang, Hong Kong na.
Nang makababa na ako ng Hong Kong station, hinanap ko kaagad ang sign papuntang Central station. Malayo nga siya talaga gaya ng sabi ni manong, aba’y may walkalator ba naman para hindi ka mainip! At makalipas ng ilang segundo, natagpuan ko rin ang Central terminal. Sa susunod nga, sa Lai King na lang ako na sinasabi ni Manong. Nang makarating na ako sa Mong Kok, nagandahan agad ako sa lugar. Para rin siyang Divisioria, mas malinis nga lang at walang mga tambay. Dito pala sa Hong Kong, parang konti ng ang may mga sasakyan at lahat ng tao ay naglalakad o nagco-commute.
Nagugutom na ako kaya una kong hinanap ay kainan. Mas okay kung fast food, at least kabisado ko yung lasa. Nakakita ako ng ‘The Spaghetti House’ at papasok na sana ako nang makakita ako ng ‘McDonalds’ kaya doon na lang ako kumain. Nagulat nga lang ako dahil walang ka-kanin-kanin ang menu nila, puro burger. “..uhm excuse me, Miss..” tanong ko dun sa staff ng restaurant. “..do you serve rice?..” “..no, no rice..burgers only..” sagot ng staff sa akin. Wala na rin akong magagawa, gutom na rin ako’t sa Pilipinas pa ang huling full meal ko. Um-order ako ng Big Mac, ayun na siguro ang pinaka-heavy meal nila siguro. Habang kumakain ako, napansin ko ang nasa likod at kaliwang mesa kong mga Tsinoy ay busing-busy sa paglalaro ng PSP, o Playstation Portable. At sa hindi malamang dahilan, nainggit ako.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng McDonalds. Busog ako, pero hindi ‘Pinoy’ busog. Parang nagkalaman lang ang tiyan ko. Naglakad-lakad ako sa paligid ng Mong Kok para bumaba ang kinain ko, maliit lang pala ang lugar na ito, kaya mong libutin ito ng kalahating araw. Ang gara pala sa Mong Kok, para siyang Raon sa Quiapo, puro electronics at gadget ang benta. At sa konting lakad mo lang pala sa McDo, may tindahan ng damit na Bossini. Pumasok ako at tumingin ako ng mga damit doon at pantalon. Kung taga-rito ka, medyo mura ang mga damit dahil 70-200HKD lang ang mga damit dito, pero kung Pilipino ka tulad ko at kakarating mo lang sa Hong Kong, maiisip mong parang bumili ka na rin sa SM dahil 70HKD times 5-point-something pesos which is palitan Hong Kong dollar, equals 350-400. Pero may ibang damit sa SM na 500-1000 pesos kaya, pwede na rin. *smiles*
Makalipas ang dalawang oras sa Bossini at Esprit, nakabili ako ng tatlong damit na tig-90 ang isa, dalawang pantalon na nagkakahalagang 250 ang isa so bale 500 lahat, at isang belt na 50 sa Esprit na nagkakahalagang 820HKD at apat na damit na nagkakahalagang 240 lang kasi sale pala doon, buy one take one ang tshirt nila. So all-in-all, 1,060HKD ang nagastos ko at kung iko-convert natin yun sa Philippine peso, 1060 times 5 ay equals to 5,300php ang nagastos ko. May free pang twalya sa may Esprit kapag 500 above ang binili mo. Bargain!
Gutom na ulit ako at exhausted kaya napagisipan kong umuwi na lang. Malayo-layo pa ang lalakbayin ko at marami pa akong bitbit. Ubos na rin ang dala kong pera kaya hindi na ako kumain. Alas-diyes na pala, at naalala ko yung payo ni Manong kanina na 12am nagsasara ang MTR kaya kung ayaw kong magcommute ng bus na aabot ng isa hanggang dalawang oras, ay mabuti pang agahan ko ang pagdating sa MTR. Baba agad ako sa Mong Kok MTR terminal para sumakay ng subway, medyo masarap ang byahe ko nito, wala na siguro masyadong bumabyahe ng tren ng ganitong oras. Pagdating ko sa harap ng ticket machine, tiningnan ko ang ruta ko. Naku, sa Central ngapala ako baba ulit at mahaba ulit ang lalakarin ko nito. Bigla kong naalala ang payo sa akin ni Manong kanina ulit na sa kabilang line na akong sumakay. Shit, hindi ko maalala yung pangalan ng station, at parang katunog nito ang isang Disney animated movie. Hinanap ko na lang ang linya ng Mong Kok na kukunekta sa Tung Chung. Hmm, AYUN! Lai King! At Lion King ang katunog nitong palabas, hehe.
Makalipas ang trenta minutos, nasa Tung Chung na ako. Sandali lang pala ang byahe. Bago ako umakyat ng condo, dumaan muna ako sa 7-11 para bumili ng makakain. Puro cookies lang ang binili ko dahil certified cookie-holic ako eh. Haha, nahawa lang sa kaklase ko nung college. Pagkatapos kong bumili ay umakyat na rin ako sa condo. Pagdating ko sa kwarto, punta ako agad sa kwarto at humarap sa salamin para isukat ang mga binili. Sakto lang pala ang mga nabili kong damit pero yung isang pantalon, medyo maluwag. Pero doon ko naisip kung bakit ako bumili ng belt, sunod sa dahilan na college pa nasa akin ang belt na suot ko ngayon, at oras na siyang palitan. Habang inaayos ko ang mga pinamili kong pagkain at ilagay sa ref, napansin ko sa backpack ko yung inuming nabili ko kaninang hapon sa 711. Nakaligtaan ko palang may dala akong inumin, sana hindi ko na lang pina-large yung drink ko sa McDo kanina. Tinikman ko ang inumin pero halos madura ko dahil ang sagwa ng lasa, hindi siya tubig at may lasa: matamis. Weird, saan ka nakakita ng tubig na may lasa, matamis pa? Gatorade Propel? Hindi siya katulad ng nabasa ko sa isang komiks noon, yung “quench-thirsting drink”. Kadiri, buti na lang hindi ko ito tinikman kanina nung nasa byahe ako, baka naduwal pa ako sa loob ng tren. Bwiset.
Ito ang unang gabi ko rito sa Hong Kong. Tahimik na ang buong paligid, puro street lights at ng mga sasakyang dumaraan ang makikita mong ilaw na kanina puro usok at mga tsinong maiingay dahil may kausap sa telepono ang maririnig mo. Nakaka-senti yung lugar tuwing gabi, parang gustong kumawala ng kaluluwa ko mula sa katawan at maglakbay sa himpapawid ng Hong Kong. Matagal tagal din akong nakasulyap sa labas ng bintana bago ko pinikit ang aking mga mata at sinimulang lakbayin ang mundong ako mismo ang may gawa: at ang tawag ko dito ay “panaginip.”
| |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Fri Feb 27, 2009 6:55 pm | |
| Chapter Three: Wake Up!... ‘..Struggling with the thought, still lying down with the same burden.I want this to change, I want this to go away, I’m still all by myslef now with only a memory. Lyin’ in a different bed, feeling the past just haunting me. Flashes inside my mind over and over again I feel insane – I’m breakin’ down...’
Nine na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Nagulat pa nga ako dahil akala ko nanaginip pa rin ako dahil nasa kakaibang lugar ako, at saka ko na naalalang nasa ibang lugar nga talaga ako at hindi iyon panaginip. Nakakatawa nga eh, kahapon lang nagising ako at paglabas ko ng aking kwarto ay sinalubong ako ng nanay ko. Samantalang ngayon, nagising ako at paglabas ko ay sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Maingay din naman: maririnig mo ang busina ng mga nagwawalang driver mula sa labas, vacuum cleaner na ginagamit sa kabilang kwarto, mga Chinese na naguusap ng lengwaheng hindi ko alam. Pero wala akong ibang naririnig kundi ang pag-iyak ng aking kalooban na gusto muling marinig ang busina ng mga nagmumurahang driver mula sa labas, walis tingting na ginagamit ng kapitbahay mo, at mga Pinoy na nagti-tsismisan na ayaw mong pakinggan. Nakaka-miss din pala ang lugar at bagay-bagay na pinipilit mong kalimutan.
Agad akong dumiretso sa kusina para mag-almusal. Walang kanin, kaya naginit na lang ako ng tubig para sa cup noodles. Habang nagiinit ako ng tubig ay umupo muna ako sa sofa para tuluyang gisingin ang nananaginip pang diwa. Kasabay ng pag-gising ng diwa ko, ay ang tunog ng takure na kulo na pala ang iniinit kong tubig. Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako sa may terrace para manigarilyo. At habang naglalaro ng usok sa labas, napagisip-isip ko: ngayong nandito na ako sa ibang bansa, ano nang gagawin ko? What can Hong Kong offer to me or what can I offer to Hong Kong? Ano ba talaga ang gagawin ko dito sa bansang hindi ko naman kinalakihan: katulad pa rin ng dati na puro pasarap lang sa buhay, o magseseryoso sa pangalawang pagkakataon sa buhay? Hay, magulo man pero kailangang pagisipan ko ito ng mabuti at mabilis. At habang nagiisip ako, napatawag ang utol ko. “..Oh ‘Bro, napatawag ka?..” sabi ko nang sagutin ko ang telepono. “..wala lang, kamusta ka na?..” bati sa akin ng Kuya ko. “..okay lang..” sagot ko at dinagdagan ko ng kwento tungkol sa ginawa ko kahapon, ang walang kwentang inumin na binili ko, at mga napagisip-isip ko kanina. “..so ano bang balak mo talaga?..” tanong sa akin ng utol ko pagkatapos kong magkwento. “..hindi ko pa nga alam ehh..” sagot ko. “..ano bang magandang karera dito sa Hong Kong..” “..D.H..” biro niya. Alam ko talagang biro lang yun dahil alam naman niyanh limitado lang ang alam kong gawaing bahay. “..marami, pero kung ako sa iyo, magbakasyon ka muna..relax ka lang muna, kapain mo ang Hong Kong..mahirap yan kapag nagka-trabaho ka agad pero hindi mo pa trip ang Hong Kong at tinamaan ka ng home sick, patay kang bata ka..” “..actually, tinatamaan na nga ako ehh..” sagot ko. “..see?..ngayon pa nga lang naho-home sick ka na, what more kapag nagka-trabaho ka na?..” “..hay, may malapit bang Red Light District dito?..” asar ko sa kapatid ko. “..gago..” sagot niya at pagkatapos ng ilang segundo. “..sa Wan Chai, the best..” Nagkwentuhan pa kami ni Kuya at nagbigay siya sa akin ng mga magagandang puntahan dito sa Hong Kong. Um-oo ako, pero wala ako sa mood gumala ngayon. Trip kong mag-unwind muna dito sa condo. Mag-relax at pagisipan ang mga susunod na hakbang. Pinagpatuloy ko ang naudlot na pagninigarilyo sa terrace. Habang nagsisindi ng yosi ay nakita ko ang sinasabi ng utol kong malapit na mall dito, at katapat lang pala ng tinitirhan kong condo. Hindi maalis sa isipan kong tumingin kahit saglit. Pero nabuo ang pasya kong pumunta doon nang makakita ako ng coffee shop. Mahilig kasi ako sa kape, at tatlong araw na akong hindi nakaka-inom ng kape. Hinahanap na ng kawawang katawan ko ang caffeine, at kailangang tugunan ito bago ako magdeliryo.
Naligo muna ako saglit at pagkatapos ay pumunta na doon. Bago ako pumasok sa mall ay tiningnan ko muna ung coffee shop, at UCC ang pangalan ng shop. Pwede na, basta may tinda silang kape, walang problema. Bumili na muna ako ng frapuccino at dumiretso na sa loob. Dahil may hawak akong inumin, bawal akong pumasok sa mga stalls kaya doon lang ako sa labas at kunwari nagwi-window shopping. At nang maubos ko na ang kape ko, pumasok ako sa Adidas para tumingin ng sapatos. Parang masisira na kasi itong sapatos ko ehh, kailangan na niya ng resbak at baka gumala daw ako ng Hong Kong nang naka-medyas lang o naka-paa. Nakakita ako ng latest na sapatos at nagustuhan ko agad ito. I’m sure, wala pa nito sa Pilipinas kaya kung sakaling umuwi ako, ka-iinggitan ako ng mga kaibigan ko. Habang nagsusukat ako ng sapatos na napili ko, bigla akong napatigil. Anong sinabi ko kanina, kung uuwi ako kaagad? Naku, sinyales kaya ito na gusto ko nang umuwi? I shrugged my shoulders, masyado pang maaga para isipin ko ang mga bagay-bagay na ganyan. Nakaka-isang araw pa lang ako, uuwi na ako?
Pagkalabas ko ng Adidas, dumiretso ako sa taas para tumingin-tingin pa ng mga pwedeng mabili. Sa second floor, nakakita ako ng KFC. Maraming alaala sa akin ang KFC: dito kasi kami madalas kumain ng best friend ko, at ito ang madalas ipakain sa akin ng ermat ko noong bata pa ako kaya mas nakasanayan ko ang manok ng KFC kasya sa Jollibee o McDo. Pero badtrip na naman ako dahil tulad ng McDo sa Mong Kok kahapon – wala silang bentang kanin. Masyado bang sagrado ang kanin at wala sa menu nila, o sadyang naubos lang ang plantasyon ng bigas at kanin dahil sa paggawa nila ng congee? Di bale na lang, oorder na lang ako nung two-piece chicken nila, isang zinger burger – ay teka ano ito, mushroom rice? Akalain mo may kanin din pala dito? Iniba ko na lang ang order ko: two-piece chicken, tatlong mushroom rice at isang hot shots. Okay din pala ang kanin nila, may ulam na, kaya the best samahan ng manok. Solb! “..Hi sir, what’s your order?..” bati sa akin nung KFC crew. “..uhm one number one, one letter H, and three letter A..” sagot ko habang kumukuha ng pambayad sa wallet. Inulit niya yung order ko, at sinabi ang total ng bill ko which is $93. Ayos na sana ang lahat, pero nagka-problema nang humingi ako ng gravy. Sa lahat kasi ng sauce o sawsawan, gravy ang pinaka-gusto ko at ako kadalasan ang umuubos ng gravy sa free refill ng KFC sa Pilipinas. “..what sir?..what is your request?..” tanong sa akin nung crew. “..gravy..can I have some gravy, please..” Nagkatinginan lang kami nung crew. Na-figure out ko na hindi niya alam ang ‘gravy’. Hindi niya alam na ang in-order ko ay may gravy na. Maya-maya nang hindi talaga kami nagkaintindihan kahit anong gawin naming dalawa, lumapit na ang manager. “..Sir, what’s your problem?..” parang siga kung magtanong yung manager. “..I just want to ask for more gravy..” tinitigan din ako nung manager. Akala ko solved na ang problema pero hindi pa pala. Hindi nag-tagal ay parang may kinuha siya sa may condiments deck nila. Akala ko alam na niya ang gravy, pero hindi pa pala. Tissue ang binigay niya sa akin. “gravy..GRAAAAYVY!..” medyo tumaas ang tono ng pananalita ko doon kaya nagtinginan sa akin yung mga kalapit kong umo-order. “..y’know what, forget it..here’s my hundred dollar, keep the change – gago..” Kumain ako sa KFC nang medyo mainit ang ulo. For the first time, hindi ako napagbigyan ng tadhana para sa isang extra gravy lamang. Pero nabusog pa rin naman ako dahil tatlong order pa naman ang kanin ko, may kasama pang gravy at mushroom. Lumabas ako ng mall pagkatapos kumain para magyosi, pampa-alis lang ng init ng ulo. Ganito pala sa Hong Kong, kailangan IKAW ang matuto ng lengwahe nila para magkaintindihan kayo. Hindi siya katulad ng sa atin na kailangan mong matuto ng English para makausap at maintindihan ka ng foreigner. Nakaka-inis pero nakakabilib, talagang pinapakita nila ang sobrang pagmamahal nila sa wika nila. Kung gusto mong tumagal sa Hong Kong, mag-aral ka ng Mandarin language para magka-intindihan kayo ng mga locals dito. Period.
Alas-kwatro na ng hapon nang lisanin ko ang mall. Ang ganda ng tapat ng mall, may fountain at kada hapon, may mga batang tsinoy at foreigner na nagtatampisaw sa tubig. Walang hiya-hiya, basta hindi ka naka-hubad, walang pakialam sa iyo ang mga tao dito. Astig! Gamit ang aking Canon EOS Digital Rebel XTi, piniktyuran ko yung mga batang naliligo. Pagbalik ko ng condo, agad kong tinabi ang aking biniling sapatos at nagpunas ng katawan sa banyo. Habang nagpupunas ako, maraming kakaibang iniisip ang pumasok sa utak ko. Paano kung dito na talaga ako sa Hong Kong naninirahan? Sapat kaya ang kikitain ko dito? Dito ko kaya mahahanap ang tanging nahanap ng kapatid ko dito na wala sa Pilipinas: ang magkaroon ng sariling pamilya?
Paglabas ko ng banyo, dumiretso ako sa kusina para maginit ng tubig. Kailangan ulit ng katawan ko ang kape, this time mainit naman. Masarap din palang manirahan dito sa Hong Kong kahit ikaw lang magisa, napaka-reliable kasi ng mga appliances dito. Electric ang kailangan ng stove nila kaya hindi ka na mamomroblema sa LPG na pagkamahal-mahal. Hindi mo rin masyadong magagamit ang aircon dahil malamig na rin naman sa Hong Kong, tumatagos ang lamig mula sa labas papasok ng kwarto. Ang sarap, sabi nga ng commercial dati sa T.V ehh “Only in the Philippines”. Pero sa tingin ko, kahit saan lugar sa Pilipinas, hindi ka makakakita ng lugar na stress free at kasing-ganda ng Tung Chung ng Hong Kong.
Habang humihigop ako ng mainit na kape sa may sofa sa sala, pinlano ko na ang gagawin kong paglilibot kinabukasan. Iniisip ko kung sa Disneyland ako pupunta o sa Macau. Kumuha ako ng barya at ipinasa ang pagde-desisyon sa nasabing barya: Disneyland tails, Macau heads. I flipped the coin, and heads ang lumabas. So ang ibig sabihin, sa Macau ako pupunta. Nilabas ko ang aking laptop na regalo pa sa akin ng bestfriend ko nung Christmas two years ago. Naghanap ako sa net paano ako makakarating sa Macau: sasakay daw ako ng ferry. Namili na ako ng ferry na sasakyan - at Cotai Strip ang aking napili, ang cute kasi ng pangalan eh. Chinarge ko ang laptop at pumunta na sa kwarto para magpahinga na, isang malaking adventure na naman ang naghihintay para sa akin bukas. Rakenrol!
| |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Fri Feb 27, 2009 6:58 pm | |
| Chapter Four: Evidence... ‘..Time has a way of healing, so they say, so why I am still left here cryin'? Caught in these waves of emotion as people stare, I find there's no real place for me to hide. Well I've been trying in vain, was only fooling myself. With each passing day, the pain still stays the same…’
Nagising ako ng wala sa oras, hindi kasi ako nakapag-CR kagabi kaya ngayon ako binubulabog ng tawag ng kalikasan. Tumingin ako sa orasan, ala-una pa lang pala ng umaga. Ilang oras pa bago ako dapat kumilos at lumarga na papunta ng Macau. Pagkatapos kong mag-CR, napadaan ako sa may sala. Nakalimutan ko, naka-saksak pa pala yung laptop ko at naka-charge. Hinugot ko sa saksakan at isa-shut down ko na sana, nang mapansin kong nakabukas pa pala yung aking Yahoo Messenger, at may nagPM sa akin, si bubbles07 kaninang 1:09 ng umaga. Teka, yun ang Yahoo ID ng nililigawan ko dati! “..ui, musta ka na?..” sabi sa mensahe niya. Matagal kong tinitigan ang message niya, nagiisip kung re-replyan ko o hindi. At gaya ng dati, ipinasa-Diyos ko na lang ang pagdedesisyon. Kumuha ulit ako ng barya para dito ipasa ang mahirap na pagdedesisyon. Tails – sasagutin ko ang mensahe niya, heads – de-deadmahin ko na lang at matutulog. Habang nasa ere ang barya’t umiikot, iniisip ko ang posibleng mangyari kung sakaling tumama sa ‘tails’. Malamang, magtatalo kami nito kung sino ba talaga ang may kasalanan sa kung bakit ganito ang nangyari sa samahan namin. At malamang, hahalikan ko na naman ang nguso ng botelya ng beer sa sobrang depression o baka sa sobrang inis.
Bumagsak na sa lupa ang baryang kaninang umiikot sa ere, at kitang-kita ko na sa ‘tails’ tumama ang barya, so that means kailangan kong sagutin ang message niya. “..ui, okay lang naman..ikaw?..” naghintay ako ng matagal pero walang sumasagot, tulog na ata. Pero bakit naka-bukas pa rin ang Yahoo account niya? Nagbilang ako ng sampu, kapag nag-sampu na’t wala pa ring sumasagot, papatayin ko na lang ang laptop. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam – at sampu: wala pa rin. Papatayin ko na sana ang laptop nang biglang lumitaw ulit ang YM window at nagreply si bubbles07 – ang babaeng minamahal ko dati. Shit, ito na, anong sasabihin ko? “..okay lang din ako..nabalitaan mo ba, namatay na daw yung kaklase natin dati sa Biology?..” “..sino?..” “..si ano, yung mataba na may tattoo na tribal sa may kaliwang braso..” sagot niya. Pilit inalala ang mga naging kaklase noon sa Biology, at nang maalala, nagulat ako. “..ha?..siya?..bakit daw?..” tanong ko. “..nabangga’t nasagasaan daw ng eight-wheeler truck habang nagda-drive ng motorsiklo sa may MacArthur Highway sa Bulacan..” Ang tagal kong natahimik sa kinauupuan ko. Inaalala ko ang mga masayang alaala namin ng kaibigan kong namatay, na siyang nagpakilala sa akin sa babaeng kausap ko ngayon. Rest in peace pare, sayang at hindi na kita makakainuman ulit. Kitakits na lang. “..balita ko sa bespren mo, nag-abroad ka na daw?..” sabi niya nang mapansin niyang matagal akong hindi sumasagot sa sinabi niya kanina. “..yup, sa Hong Kong..” sagot ko. Nanginginig ang mga daliri ko bawat pindot ko sa keyboard. Hindi naman ako pasmado, pero basing-basa ang kamay ko sa kaba. Kabado sa pwedeng patunguhan ng usapan namin ng babaeng gusto ko nang ikahon mula sa isip ko’t ibaon sa ilalim ng lupa. “..bakit?..” sagot niya na may kasamang emoticon na may question mark. “..wala lang..masyado na kasing maraming mapapait na alaala ako diyan sa Pilipinas ehh..gusto ko nang mag-move on matagal na..at habang nandiyan ako sa Pinas na punong-puno ng mga bagay na magpapa-alala sa mga nangyari hindi magaganda sa akin, hindi ko magagawang makalimot..” Ang tagal niyang sumagot, at pagkatapos ng ilang minuto ay sumagot na siya. “..sorry..” “..sorry?..para saan?..” tanong ko na kunwari ay hindi siya ang tinutukoy ko sa sinabi kong ‘gusto kong makalimot”. “..alam kong ako ang dahilan kaya ka umalis..sorry..” sagot niya. Tama, ikaw nga ang dahilan. “..ha?..ano ka ba, hindi ikaw ang dahilan..basta..” binola ko na lang siya na kunwari hindi siya. “..eh ano?..” ayun, tinanong niya ako ng isang napaka-hirap na tanong. “..marami..basta, secret ko na lang yun..wag ka nang makulit okay?..” tinuldukan ko na ang usapan naming tungkol doon, at sinabi sa isip ko na kapag humirit pa ito ng ganoong topic, aalis ako. “..actually; gusto naman kita eh, matagal na..” iko-close ko na sana ang YM ko nang matigilan ako sa sinabi niya. Naka-inom ba ito’t nagiimbento na naman ng kwento na baka mahulog ulit ako sa patibong niya? Yun ang akala niya, nadala na ako sa mga pagkakamali ko dati. “..hahahaha..” tinawanan ko na lang yung sinabi niya. “..seryoso ako, tol..” sabi niya sa akin. “..naalala mo noong second highschool pa tayo?..naalala mo nung may nagbigay sayo ng teddy bear na may button pin na ‘I like you’ noong Pasko?..” “..oh, what about that?..paano mo nalaman na may natanggap akong ganoon?..” sagot ko habang binabalikan ang sinabi niyang eksena noong Pasko na second year highschool pa lang kami. Oo, naalala ko na: iyon pa yung time na wala pa akong kaalam-alam sa mga pagi-pagibig na yan. Crush pa nga lang, big deal na sa akin noon. “..sino bang nagbigay sa iyo ng teddy bear na iyon?..” “..ewan ko, wala ngang nakasulat ehh..kilala mo ba?..” “..oo, kilalang kilala..” nakaka-kutob na ako na baka siya ang magbigay ng regalong iyon, pero naisip ko ‘bakit naman ako bibigyan ng regalo noon ehh may boyfriend siya that time’? “..sino naman?..ikaw?..ahahahaha..” “..yup..” huminto ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung paano ako magre-react, or magre-react pa ba ako. Kahit na hindi ko alam kung sino nagbigay ng teddy bear na iyon, itinuring kong isang magandang alaala noong highschool pa ako. Actually, naka-preserve pa rin ito sa plastic na kasama nung regalong iyon at nakatago sa closet ko hanggang ngayon sa Pilipinas. “..weh, ano yun joke?..” reply ko sa kanya. Gustong maniwala ng buong sistema ko’t kaluluwa na sa kanya galing iyon, pero pilit tinatabunan ito ng pananaw ng utak kong isa lang itong kalokohan. “..hindi ah, etong patunay..yung teddy bear diba kulay dirty brown ito na may color black na parang jacket or vest?..’tas yung pin, may nakasulat na ‘I like you’ tapos ang background image nito ay isang heart?..tapos yung gift wrapper ay kulay red na tadtad ng image ng regalo?..”
Nagulat ako sa mga sumunod sa sinabi niya. Tama lahat ng sinabi niyang mga characteristics ng regalong natanggap ko noon. At ang pinakaka-gulat pa, walang sinumang kaklase o kaibigan ko ang nakaka-alam sa regalong iyon kundi ang best friend ko lamang. “..paano mo nalaman iyon??..” sagot ko habang nasa state of shock pa ako. “..ako nga kasi nagbigay noon..matagal na kitang gusto, elementary pa lang tayo..at lalo akong nagka-gusto sa iyo noong umapak na tayo ng highschool..ay, hindi pala kita gusto noon, MAHAL na pala kita noon..alam ng mga kaibigan ko noon na ikaw ang gusto ko kaya laking hinayang nila nang iba ang sagutin ko..alam ko kasi never mo akong magugustuhan dahil malayo ang personality ko sa kinwento mong ‘dream girl’ mo noong minsang nagbigay ng assignment ang teacher natin sa Psychology noong college na tayo..masaya na ako noon na kasa-kasama kita palagi buong araw, masaya na ako noon kahit hindi mo ako ligawan..as long na nakaka-rubbing elbow kita, kuntento na ko..” sagot niya. “..gusto rin naman kita ehh..pero bakit ganoon, gusto mo naman pala ako pero sobra mo akong pinahirapan noong nanligaw ako sa iyo ng mahigit dalawang taon?..” “..kasi sabi sa akin ng tropa ko na pinagti-tripan mo lang ako kasi nalaman mo sa kanya na gusto kita..pasensya na..” “..pinagtri-tripan?..dyusko, mahigit dalawang taon akong nag-hintay sayo!..tapos sasbihin mo, pinagti-tripan lang kita?..at tsaka wala naman akong nakausap sa mga kaibigan mo tungkol sa ganyang bagay ehh..” sagot ko na medyo umiinit na ang ulo ko. “..ha?..ibig sabihin, TOTOO?..” sagot niya. “..oo, totoong mahal kita..and you know what, I never stopped loving you..hanggang ngayon..”
| |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Fri Feb 27, 2009 7:00 pm | |
| Chapter Five: A Dreamer's Lullaby... ‘..Close your eyes, and come fly away with me: I'll take you to places that you've never seen, never been before. I know why, all the things you've been through and all the things that hurt you are eating you alive. Right here with you is where I wanna be; is where I oughtta be.Wipe your tears away ‘cause right now, time is on our side…’
Umaga na naman. Oras na naman ulit para simulan ang bagong kabanata sa buhay ko bilang isang turista sa Hong Kong. Ngayon ay tatawid ako ng dagat at pupunta ako sa Macau mula sa ferry. Takot akong sumakay ng sasakyang pang-dagat dahil marami-rami ang mga aksidente tungkol sa pagkalubog ng mga barko at bangka, at higit sa lahat; namatay ang aking tiyahin dahil sa overloaded daw ang barkong sinasakyan niya pauwi ng probinsiya namin sa Mindoro. Sobra maka-iyak si Lola noon, si Tita kasi ang panganay sa limang magkakapatid ni Nanay, siya rin ang naging breadwinner noon ng pamilya nila pagkatapos niyang gumradweyt ng kolehiyo at siya na rin ang nagpa-aral kay Nanay sa kolehiyo. Malaking kawalan sa amin ang pagkawala ni Tita.
Naginit ako ng tubig para sa kape, at tumambay muna sa terrace. Inalala ko ang mga pinagusapan namin ng ka-chat ko kagabi. Inisip kong panaginip lang ito pero nang nakita ko ang baso katabi ng laptop ko sa sala na ininuman ko kagabi, naisip kong totoo nga ang mga nangyari. Totoong gusto rin pala niya ako at mas matagal siyang naghintay sa akin kumpara sa dalawang taong palagi kong ipinamu-mukha sa kanya. Totoo rin na hindi niya binalewala ang mga pagibig na inalay ko sa kanya ng mahigit dalawang taon at hindi niya lang ito itinapon. Totoo ang lahat, sa wakas hindi na ito panaginip.
Alas-nuebe na ng umaga ako naka-alis ng condo at dumiretso ako ng MTR station para sumakay ng tren papunta ng Sheung Wan, Hong Kong para sumakay ng ferry papunta ng Macau. Pagdating ko sa ferry, agad akong bumili ng ferry ticket na nagkakahalagang 134HKD. Ten o’clock na ako nakarating ng ferry terminal kaya ang binili kong ticket ay 10:30am pa ang alis. Pero dumiretso na rin ako doon sa ferry’ng sasakyan ko, para makapili ng maganda-gandang pwesto sa loob ng ferry. Pagdating ko doon sa parang immigration counter ng terminal, binigay ko yung aking passport doon sa official. An’sama niyang makatingin sa akin, parang bobombahin ko daw ang barko. Kung sa Tondo Manila ito nakatira at ganyan makatingin sa mga dumaraan, matagal na sigurong namayapa ang kaluluwa nito.
Sinundan ko lang ang sign na nakasulat na ‘Cotai Strip Jet here’ para hindi na ako maligaw at ma-miss ang aking sailing time. Bago kami makasakay ng ferry, nakapila muna kami doon sa isang counter kung saan sasabihin kung saan ka uupo sa loob ng ferry. Hindi rin pala masusunod ang plano ko na umupo sa tabi ng bintana. Binigay niya sa aking sticker ay E-9, sa gitnang parte ng ferry. “..uhh Miss, can I request for a seat near the window?..” sabi ko doon sa Cotai crew. Pumayag naman siya at inilipat ako sa E-1. Masaya akong pumasok ng ferry dahil buong akala ko ay madi-disappoint ulit ako sa request ko katulad doon sa KFC sa Citygate Mall. Pagka-upo ko sa may seat ko sa Cotai Strip jet, agad kong sinalang ang Ipod ko at nakinig ng mga soothing music para madistract ang kaba at takot ko sa pagsakay sa barko. Ayokong pumikit dahil ayoko ding ma-miss ang excitement ng pagsakay sa ferry, dahil first time ko rin. Alam kong malabo, kinakabahan ngunit excited. Ang tagal umalis ng barko, naiinip na ako’t gusto ko nang kumain. Habang inaantay na lumarga, binasa ko muna ang isang malaking papel na nakadikit sa upuan at harapan ko. ‘Welcome to Cotai Strip Jet’ ang nakasulat sa may taas nito at tungkol ito sa structure ng ferry at sa mga instructions kung saka-sakaling may masamang mangyari. Dito ko inubos ang natitirang five minutes before sailing na sinabi ng kapitan ng ferry. Kinabisado, pinag-aralan, at inintindi ko ng mabuti ang bawat instructions na nakasulat doon para kung sakaling may masamang mangyari *knock on wood* ay handa ako’t hindi mamamaalam ng maaga sa mundong ginagalawan.
After five minutes, sinara na nga ng mga ferry crew ang pintuan ng barko pero hindi pa rin umaalis ang focus ko sa binabasa ko. Maya-maya, naramdaman kong gumalaw at umandar na ang barko. Hindi nagtagal, para na akong hinehele sa loob ng barko dahil ramdam na ramdam ko yung pagsayaw at pagsama ng barko sa alon ng dagat. Pero pilit kong nilalabanan ang antok sa pamamagitan ng pagpili ng bandang Slipknot sa playlist ng Ipod ko. Pero hindi ko na kaya, napapikit ako ng isang segundo. Pagdilat ko, nasa loob ako ng bahay ko sa Pilipinas, sa kwarto nakahiga at nakasaksak ang Ipod sa tenga ko. Teka teka, paano ako napunta ng Makati, eh nasa Hong Kong ako o Macau na? Ang ibig sabihin eh isang malaking panaginip lang ang pagpunta ko ng Hong Kong? At hindi totoo ang mga sinabi sa akin ng babaeng minamahal ko na gusto na niya ako matagal na? At ibig sabihin, balik ulit ako sa careless life ko dito sa Pilipinas? Oh God, no!
Lumabas ako ng kwarto at napansin kong tahimik ang buong bahay, wala sigurong tao. Umupo ako sa sofa sa may sala at nagisip tungkol sa mga nangyayari. Shit, naguguluhan na ako: panaginip lang ba ang lahat, o nananaginip ako? Maya-maya ay may nagdoorbell sa may main door, ang best friend ko. “..uy, ano handa ka na ba?..” nakangiting bati sa akin ng bespren ko pagbukas ko ng pintuan. “..ha?..anong meron?..” tanong ko habang nagkukusot pa ng mga mata. “..you’re joking, right?..” biglang sumimangot ang bespren ko. “..ibo-blowout daw tayo ngayon ng gago mong kaklase sa Bio!..si Mask Rider Black!..” sagot niya. Teka, ibig sabihin buhay siya at hindi totoong naaksidente siya sakay ng motor sa Bulacan? Mask Rider Black kasi ang tawag namin sa kanya dahil motor niya at lahat ng gear niya sa motor ay kulay itim, para siyang si Mask Rider na gumagala sa kalsada. Teka teka, naguguluhan na talaga ako! Bakit sabi sa akin sa panaginip ko patay na daw siya? “..ha?..oo nga noh, August 3 ngapala ngayon..teka, bihis lang ako..” bago ako tumalikod sa pintuan, biglang lumabas si Masked Rider. “..hoy ‘pre!..ba’t hindi ka pa handa?..bilisan mo, blowout ko kayo sa Congo grill!..” nasa harapan ko nga ang taong inakala kong patay na. Gusto kong umiyak, pero ayaw tumulo ng mga luha ko. Ilang segundo akong tulala, at bigla ko na lang siyang niyakap. “..huh?..” gulat siya sa ginawa ko. “..men, bading ka na ba?..” asar sa akin.
Makalipas ng ilang minutong byahe, nasa Congo Grill na kami sa may SM Mall Of Asia. Pagdating ko doon, kumpleto ang barkada: nandoon ang babaeng nililigawan ko, nandoon ang kambal, nandoon din ang parang ‘payaso’ ng barkada. Umupo ako sa tabi ni Mask Rider Black. “..pare, guess what?..niyakap ako nitong bading na ito kanina!..” bungad ni Masked Rider. “..hah!..sabi ko na nga ba, bading ito una pa lang ehh!..” singit nung ‘payaso’. “..kaya wala siyang girlfriend noong high school pa kami eh bading pala!..ahahahaha..” alaskahan galore na naman at ako ang target. Ito ang namiss ko sa barkada, yung mga asaran namin. Huminto ito nang mag-abroad ang payaso sa amin at magtapon ako ng buhay. Ilang oras ang lumipas at gumabi na, at nagpasya kaming lumipat sa Starbucks dahil lahat kami ay mahilig sa kape. “..pare, di’ba pumunta ka ng US last May 2005?..” tanong ko sa payaso kong kaibigan nang makausap ko siya sa linya sa StarBucks. “..oo, pero umuwi ako last week dahil tinawagan ako ni Masked Rider, may sasabihin daw..” “..huh?..anong sinabi niya sa iyo?..” na-curious ako. “..wala pa nga eh, paalala mo nga..baka ginagago lang ako niyan ehh!..” sagot niya. Pagkabalik namin sa pwesto namin sa labas, agad nagsalita ang kasama ko. “..hoy, ano yung sinabi mo sa akin sa Friendster na kailangan umuwi ako ngayong August 3?..anong meron, o niloloko mo lang akong hayup ka?..” Usually kapag ganito ang usapan, nagtatawanan ang lahat dahil sa asaran. Pero ngayon, parang kakaiba: yumuko lang si Masked Rider at ngumiti. Hindi yung ngiting pangasar, kundi yung ngiting parang may ibig sabihin. Basta, ang weird. “..inipon ko kayong dito para magpasalamat at magpaalam..” sagot ni Masked Rider. “..magpasalamat?..magpaalam?..tungkol saan?..” tanong ng bespren ko na nakataas ang kilay. “..gusto kong magpasalamat sa mga alaala niyong iniwan sa akin, sa mga samahang napatunayan kong magkakaibigan nga tayo kahit na may nagka-iilangan..” sabay tumingin siya sa akin. “..hayop!..” sagot ko habang tumatawa at napatingin ng sandali sa taong ‘ka-ilangan’ ko. “..ayun, ang dami kong alaala sa inyo na kahit kailan ay hindi ko malilimutan..hahaha ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan na ganito, the best kayo mga pare!..” dagdag ni Masked Rider. “..what’s your point, pare?..” tanong ng isa sa kambal. “..wala lang..ito na siguro ang huling pagtitipon na magkakasama tayo..” sagot ni Masked Rider. “..so ito yung ‘goodbye’ thingy mo?..saan ka naman pupunta?..” tanong ng taong nagsabing patay na si Masked Rider sa panaginip ko. “..opo..gusto kong magpaalam sa inyo ng maayos, hindi kasi ako nakapagpaalam ng maayos nung isang araw..biglaan kasi ehh..” biglang may tumulong luha sa mata ni Masked Rider habang unti-unti siyang naglalaho sa harapan namin. Lahat ng mga kasama ko’y umiiyak pero nakangiti, tanggap nila ang nangyari sa kanya. Samantalang ako, nalilito pa rin. Anong nangyayari? Ibig sabihin, totoong patay na nga siya? Napayuko ako’t umiiyak sa kinauupuan ko. Napa-pikit ako sa galit, taka, at lungkot. Hindi alam ng utak ko kung anong dapat gawin. Wala na nga talaga si Masked Rider Black.
Pagdilat ko, tumambad sa harapan ko ang isang Chinese boy na nakatingin sa akin. Nasa loob ako ng Cotai Strip jet, and this is really true. Wala na nga talaga si Masked Rider Black.
Inuuga pa rin ng alon sa dagat ang ferry’ng sinasakyan ko. Hinehele nito ang mga kasama kong pasahero para makatulog. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga eksena sa ‘panaginip’ kong iyon, feeling ko ay totoo talagang nangyari na nakasama namin si Masked Rider for one last time. Pero *snap!* back to reality, siguro kasama na ni Masked Rider Black si Lord sa itaas: malamang ay kinukulit niyang makipaginuman. Salamat pare, sa mga alaala mong iniwan sa aming magbabarkada. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga payong iniwan mo sa amin, mga kasabihang pinauso mong nakatulong sa amin, at ang mga kalokohan mong nagpasaya sa amin. Sakto, Buloy ng Parokya Ni Edgar ang nakasalang sa Ipod ko. Biglang may tumulong luha sa pisngi ko. Swak na swak ang timpla ng kanta.
| |
| | | pawikan Moderator
Number of posts : 1345 Age : 32 Location : Bacoor, Cavite Job/hobbies : Studying :D Registration date : 15/10/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sat Feb 28, 2009 10:03 pm | |
| ehem ^^
unang pinabas sakin ni kei toh ! yeah ! huehehe . | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:08 am | |
| hahaha kasi siya lang ang nakakausap kong kikopal na sasagot agad, next to vlad and sundz..anyhoo, pawee ilang chapters ba yung sinend ko sa yo nun?..nakaka-twelve na kasi ako at contructing pa lang yung thirteen...
============== PS about double posting: i know rules are rules, at ako na mismo nagsabi na pati kaming mga admin at mod ay included sa 'batas' na ito..pero sa thread na ito, excluded ako dahil pinopost ko yung mga chapters separately and the same time sinasagot ko yung mga nagcomment na pangit at magaganda, like yung kay pawee.. :ani_no1: | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:17 am | |
| Chapter Six: End of the sky...‘..Would you like to go somewhere unbelievable? Where the great big blue sky seems to last forever? ‘Cause I feel like I'll leave it all behind. Living' in the sunshine; that's where I'm going. And I don't think there's anything here that I'll be missing, do you? No, I don't think there's anything else to do. So bring on the sunshine, we're gonna fly to the end of the sky…’Pagbaba ko ng ferry, dumiretso kaming mga pasahero sa loob para magpatatak ng passport at ibigay yung uhm nakalimutan ko tawag doon, basta parang information sheet na ibibigay mo kasama ng passport mo. Sa buong pasahero ng Cotai Strip Jet, may isang dalagang na parang nasa twenties ang age ang namumukod-tangi sa lahat at talagang nakuha niya ang atensyon ko. Kakaiba kasi ang porma niya: black tank top, ang kaliwang braso niya ay may lima o anim na bracelets, halos kita mo na ang bra strap niya, at ang pinaka-grand finale sa porma niya – naka-mini skirt jeans lang siya, na parang kalinya na ng underwear ang dulo ng short niya. Kung sa Pilipinas eh parang ‘prostitute’ at halos lusawin ka na sa tingin ng mga lalaking may maiitim na pagnanasa kapag nakaganyang get-up ka. Malaki pa ang posibilidad na pagsamantalahan ka kapag na-tyempuhan ka sa gabi. Pero dito, deadma lang ang mga lalaki. Kakaiba ang control nila sa kanilang ‘luscious’ feelings, ni isang lalaki ay wala akong nakita na tulala at tumutulo ang laway na nakatingin doon sa babae – ako lang ‘ata. Paglabas ko ng Macau harbour, may nakita akong shuttle bus doon na may tatak ng ‘Cotai Strip Jet’. Ito na siguro ang sinasabing complimentary service bus na sinasabi sa hand out na binasa ko sa ferry. Mukhang bago ang mga bus dito sa Macau at Hong Kong, wala kang makikitang bus dito na ordinary at walang aircon. At higit sa lahat, wala kang makikitang kalawang sa mga bus dito. Hindi katulad sa atin, kahit na kalawang na ang nagsilbing pintura ng bus as long as tumatakbo pa ito, iba-byahe. Bago ako lumapit sa bus, bumili muna ako ng chocolate milk drink. Dehydrated na ako mula sa isang oras na byahe, iisa lang ang presyo ng mga inumin sa vending machine: ten dollars lang. Pagsakay ko ng bus, nagandahan ako sa loob nito: malinis at matitino ang mga upuan. Wala kang makikitang ‘0928blahblah, textmate tayo girls only’ tulad ng nakikita mo sa bus natin. After two minutes, lumarga na ang bus. Nilibot namin ang kahabaan ng Taipa sa Macau, ang ganda ng lugar. Binidyuhan ko ang mga nadadaanan kong gusali habang umaandar ang sasakyan. Gusto kong ipakita ito sa Kuya ko dahil inamin niya sa akin na sa sobrang busy niya sa trabaho, hindi pa siya nakaka-apak ng Macau sa fifteen years niyang tinagal sa Hong Kong. Gandang-ganda ako sa mga nakikita ko, para bang nasa loob ako ng mahiwagang siyudad na nilalabas niya ang gusto mong makitang anyo ng pangarap mong lugar. Tila ba isang panaginip ang lumibot sa BUONG kalye ng Macau dahil lahat ng makikita mo ay talagang magugustuhan mo. Napaka-organized pa ng mga motorista dito, hindi bara-bara ang pagmamaneho. Parang may system silang sinusunod kung gusto nilang lumiko ng daanan: sa kaliwa o sa kanan. Kaya malamang, bihira lang ang may mga nangyayaring vechicular accidents kada buwan. Binaba kami ng shuttle bus sa isang building, Venetian Hotel ang nakasulat. Ahh, so kaya pala Venetian ang pangalan nung bus, service ata ng mga gustong magstay sa hotel. Ito siguro ang pinakasikat na Hotel dito. Balak ko na sanang sumakay ng taxi papunta sa sinasabi ng utol kong ‘The Ruins of St. Paul Church’ pero naging interesado akong pasukin ang hotel kasi maraming pumupunta. Pagkapasok ko, nabighani kaagad ako sa ganda ng structure ng building na ito. Parang maka-luma ang tema nung design ng mga pillars at dingding, idagdag mo pa ang painting na parang mala-simbahan ang dating. Sinundan ko ang flow ng mga tao: basta kung saan man pumunta yung nasa harapan ko, kahit sa kwarto pa nila sa hotel, susundan ko pa rin sila. Umakyat kami gamit ang isang mahabang escalator, at pagdating namin sa taas ay isa na namang mahabang lakaran na pareho lang ang makikita mo. The same walls, the same pillars, although may mga fountain sa mga gilid-gilid ay hindi pa rin ako impressed. May escalator ulit kaming sinakyan, may harang kasi yung daanan ehh, pagakyat ko ng escalator napansin kong Casino pala. Ineexpect ko na ganun ulit ang aabutan ko sa taas, pero nagkamali ako. Hindi ko alam kung lumabas ako ng hotel, pero parang nasa labas ako dahil may nakikita akong mga ulap. Pero nang tiningnan kong mabuti, napansin kong parang wallpaper lang ito na gumagalaw. Astig, parang totoo! At yung lugar, para kang nasa Venice, Italy dahil sa design ng mga building. Shit, para akong na-stroke sa kinakatayuan ko sa sobrang gulat. Hindi ko ineexpect na makakakita ako ng ganito kaganda at perpektong art sa buhay ko. Biruin mo: isang CITY, nagkasya sa isang BUILDING? It’s so freakin’ unbelievable! Sino kayang architect nito, mapuri nga sa isang obrang nilikha niya. Dito ko sinulit ang tatlong battery na binili ko sa Mong Kok para sa camera ko. Lahat ng makita ko napapamura ako sa gulat, kinukuhanan ko. Grabe, ang gandang primary sa Friendster nito. Pagpunta ko sa gitnang parte ng ‘city inside the building’, may nagpe-perform doon. Kinuhanan ko ng video yung nagpe-perform at nang matapos, patuloy kong inikot ang lugar. Parang gusto kong manirahan na lang dito. Take note: may parang creek pa at may mga bangka pa! Parang Venice City talaga! *my own picture ng sinasabi kong KAGILAGILALAS na obra!!* San Luca Canal ang tawag nila sa tubig na ito. Astig, nasa third floor ako ng building pero may tubig dito? Bilib na talaga ako sa mga gumawa nito, bow down na ako! Gusto kong isama ang aking minamahal dito! Agad akong ginutom pagkatapos kong libutin ang kalahati ng nasabing building. Napansin kong may sign sila doon na may food court pala sa loob ng hotel – teka, hotel pa ba ang tawag mo dito? Jam-packed ang food court nila dito, halos nasakop ang isang kahabaan ng Venetian Hotel sa dami ng kumakain dito. Ang dami ding mga food stalls at karamihan, mga Asian foods ang handa, pero hindi na ako umasa na may Filipino food dito. Hindi ko alam kung saan ako kakain sa dami ng pagpipilian, and I’m sure masarap lahat ng pagkain nila. Napansin ko din ang isang sign malapit sa akin na ang food court na ito ay kayang umukupa ng isang libong katao – isang libo? Ang dami na ngang upuan at lamesa, wala pa akong mapwestuhan? Mabenta nga talaga ang mga pagkain na binebenta dito, lalo akong ginutom. Hay, sa Panda Express na lang ako kakain, although may nakita akong burger chain na Shake N’ Burger – para maiba naman. Habang kumakain ako, pinagmamasdan ko ang paligid: para lang akong kumakain sa foodcourt ng SM, pero iba ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung bakit, pero mas sanay talaga ang mata ko sa Pilipinas. Sa ‘Pinas kasi kapag kumain ka, puro food stalls at iba’t-ibang mga boutique ang makikita mo. Unlike dito sa foodcourt ng Macau, mga building na parang apartment ang nakapalibot sa iyo tapos may ulap-ulap pa sa itaas; ginawa nilang literal ang ‘kain tayo sa labas’. Ala-una na pala, marami pa akong pupuntahan dito sa Macau ngayon pero nandito pa lang ako sa Venetian Hotel, Resort, Casino, shit lahat na! Hindi ako pwede magstay dito overnight dahil walang tao doon sa condo for almost one day, nakaka-hiya naman kay Kuya. Kaya kahit labag sa kalooban ko, naisip kong linasin na ang lugar. Hindi ko alam kung saan ang sakayan at saan ako pupunta kaya nagtanong ako sa babaeng gwardiya na nakatayo sa tabi ng pinto. “..excuse me, where is the taxi terminal?..” kinalabit ko ang gwardiya., na ginagawa ng mga Pinoy. “..why Sir, where is your destination?..” “..Ruins of St. Paul church..” sabi ko. Marami siyang sinabi eh, biglang lumipad ang isip ko’t binalikan ang mga nakita ko kanina. Sana sabihin niya na hindi niya alam ang sakayan at dito na ako sa hotel hanggang umuwi ako. “..Filipino?..” tanong sa akin nung babaeng guard. Tumango ako, parang nagisip pa nga ako sa isasagot ko. Baka kasi malaki ang problema niya sa mga Pinoy at sa akin ibaling ang galit. “..oh I see..ganito: labas ka lang ng hotel na ito at lakad ka hanggang matumbok mo yung main road..tapos maghintay ka lang ng taxi doon at sabihin mo dalhin ka sa Leal Senado Square. Pagbaba mo doon, sundan mo lang yung mga tao at mararating mo na yung simbahan..sir tandaan niyo, Leal Senado Square..” sagot niya sa akin gamit ang isang pamilyar na lengwahe. “ah o-okay..” tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Badtrip, nagisip pa naman ako ng sasabihin sa kanya tapos magtatagalog pala siya, kakapikon. Sinunod ko ang sinabi ng ‘kababayan’ kong gwardiya: lakad konti, nakita ang main road, at naghintay ng taxi. Habang naghi-hintay ng taxi, piniktyuran ko muna ang hotel na hinding-hindi ko makakalimutan habang nabubuhay ako. Dati ay bighang-bighani na ako sa EDSA Shangri-La sa ganda at tayog nito pero ngayong nakita ko na ang Venetian hotel, parang Victoria Court na lang sa akin ang Shangri-La. Totoo, hindi na siya ganoon ka astig tulad ng inaakala ko. Maya-maya, may taxi nang pumarada sa harap ko. Sinabi ko kaagad ang destination ko: Leal Senado Square. Nagkamali pa nga ako at ‘Leandro Senado Square’ ang sinabi ko, kaya pala tinaasan ako ng kilay ni Manong driver. Paalam na Venetian hotel, isang araw babalikan kita. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ganda ng mga dingding mo, ang ‘Venice city’ kuno mo, ang jam-packed mong food court, at ang chocolate shop na matagal kong tinambayan at pinagisipang bibili ba ako ng isang bag ng Hersey’s bar. Sana isang araw bumalik ako kasama ang aking minamahal na nasa Pilipinas ngayon. Goodbye but I’ll be back, I promise!
Last edited by ~kEi on Sun Mar 01, 2009 1:32 am; edited 1 time in total | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:29 am | |
| Chapter Seven: Soul to squeeze...‘..Where I go, I just dont know. I got to, got to, gotta take it slow.When I find my piece of mind, I’m gonna give you some of my good time.Where I go, I just dont know. I might end up somewhere in Mexico. When I find my piece of mind, I’m gonna keep for the end of time…’Habang nakasakay ako sa taxi, nilibot ng mga mata ko ang nadadaanang mga building. Parang Makati lang ang mga building, mas matataas nga lang at modern ang design. Pero may dalawang building na nakakuha ng atensyon ko: yung parang replica ng Golden Gate Bridge sa US na Sai Wan bridge naman ang tawag nila dito, at yung sinasabi nilang Macau tower. Sa Macau tower nga daw ginawa yung bagong Guiness World record na highest bungee jump. Sabi nga sa internet na nabasa ko kagabi, ang Macau na daw ang ‘Las Vegas’ ng Asya kaya kahawig ng tower ng Macau ang isang tower sa Las Vegas. Makalipas ng dalawang minuto pagkalagpas ko ng Macau tower, nasa Leandro..este Leal Senado Square na ako. Ang ganda ng tiles nila, parang mga pebbles na may iba’t ibang kulay at may design. Tapos para ulit akong nasa Venetian hotel sa designs at structures ng mga building dito. Hay, wala pang isang oras ay namiss ko tuloy agad ang Venetian hotel. Hindi ko talaga makakalimutan iyon. Sinundan ko lang ang alon ng mga tao, parang eskinita ang dadaanan mo. Pagpasok mo sa parang eskinitang yun, maraming Chinese vendors ang nagiingay. Parang divisoria lang, at halos lahat sila ay pagkain ang itinitinda. Oh look, may free taste pa ng produkto nilang mga cold cuts like ham and sausages. Dito ka makakakita ng iba’t ibang klaseng luto ng mga cold cuts: may fried, may steamed, may smoked o inihaw, may sweetened, may salted, may binabad sa white wine, etcetera. Tumikim ako ng kanilang sweetened ham; parang tocino lang pala ang lasa, only dry. Habang naglalakad ako’t kinakain ko ang pinatikim sa akin na sweetened ham, may napansin ako sa isang sulok. Taping ‘ata para sa isang palabas sa sine o sa TV, ewan ko basta may camera at may artista. Too bad hindi ko kilala yung mga artista kaya dinedma ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Sa hindi kalayuan naman sa akin, may napansin akong babae na katulad ng nakita ko kanina sa ferry port, maiksi ang suot niya. Pasimple na piniktyuran ko, alaala lang. *evil grin* Ang tagal kong nagikot-ikot sa Leal Senado Square, puro boutique din kasi ang nandito: may Bossini, may Samsonite na bilihan ng bag – naalala ko yung sa palabas na ‘Dumb & Dumber’. Apelido daw nung may-ari ng bag na napulot nila kasi yung ung nasa bag, eh Samsonite talaga ang tatak ng bag. Anyway, mayroon ding Converse at mga bilihan ng gadgets like cellphone at camera. Bago ako pumunta sa pakay ko dito sa Macau: which is the Ruins of St. Paul Church, ay pumasok muna ako sa Bossini dahil pakiramdam ko kulang pa ang mga damit ko. The usual, sa ‘buy one-take one’ promo nila ako tumingin. Kahit kasi sabihin na nating mga hindi mabenta o simple lang ang ginagawa nilang promo doon, magaganda rin ang design at may posibilidad na ikaw lang ang mayroon nito. Pumasok ako ng Bossini na tanging hamon lang ang hawak, lumabas ako ng Bossini na may dalawang plastic na bitbit. Okay, heto na talaga, pupunta na ako sa Ruins, wala nang distractions. Nagpatuloy ako sa paglalakad, at maya-maya nakuha na naman ako ng atensyon ng isang stall doon na ikamamatay ko kapag hindi ako pumasok: Starbucks. Oo, kakainom ko lang ng kape kahapon pero hindi siya Starbucks. Iba pa rin ang tatak at lasa ng Starbucks para sa akin, hindi siya mapapantayan ng kahit anong coffee shops, mapa-Seattle’s Best man o Figaro’s – although sobrang sarap sa Figaro’s pero nasanay ang tyan ko sa Starbucks. Pero pinigilan ko ang sarili ko: kailangan kong makapunta muna doon sa Ruins. Hindi naman kasi ako magtatagal doon eh: pupunta lang doon, pipiktyuran ang Ruins of St. Paul, at uuwi na. Samantalang sa Starbucks: oorder, uupo, iinom, magyoyosi, magbabasa ng magazines kung meron man, at magsa-soundtrip. Kaya dumiretso na lang ako sa Ruins nang matapos na’t makapag-relax sa Starbucks, masyado na kasi akong stressed at exhausted sa kakalakbay sa Venetian hotel pa lang. Pagdating ko sa Ruins, napaluhod na naman ako sa pagkaka-bighani. Shit, kahit sabihin na nating nasunog ito noong kopon-kopong pa, makikita mo pa rin ang ganda at hugis nito, astig! Gusto ko sanang akyatin yung hagdan at lumapit sa simbahan, pero ang layo pa nito mula sa kinatatayuan ko: pagod na kasi ako. Pagkatapos kong kuhanan ng litrato ang simbahan, baba na agad ako pabalik sa Starbucks. Pero habang naglalakad ako pabalik, biglang kumulo ang tiyan ko: ibig sabihin, gutom na ulit ako. Burger lang kasi ang kinain ko, at masyado akong matakaw para mabusong sa isang burger na kasing laki lang ng kamao ko. Kahit sobra akong disappointed at naiinis, nagpass muna ako sa Starbucks ngayon. Kailangan kong makahanap ng makakainan, yung full meal talaga na lalabas ako ng kainan na malaki ang tiyan. Napahinto ako sa isang congee food house, na-enganyo kasi ako doon sa menu nila na naka-display sa labas. Natakam ako bigla doon sa binebenta nilang parang ‘Chao Fan’ ng Chowking sa atin sa Pilipinas na palagi kong kinakain. Kaya pumasok na ako ng restaurant at sinalubong ng maiingay na Chinese na hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila sa akin; malay ko ba, mamaya minumura na pala ako ng mga ito. “..wan shang hao..” sabi sa akin ng waitress na sumalubong sa akin. Iniabot ng waitress sa akin ang menu at pinili ko yung nakita ko sa labas, at dinagdagan ko ng softdrink. Habang inaantay ang aking order na dumating, nag-C.R muna ako. Pagpasok ko ng C.R nila, kamuntikan na akong mapasigaw sa gulat nang makita ko ang toilet nila: naka-dikit mismo sa sahig. Inisip ko, paano kaya kung sinumpong ka ng LBM, paano ka? Naka-upo ka sa sahig (bahala ka kung indian seat) na parang nagpapahinga, o gagayahin mo ang position ng babae kapag umiihi? Weird, but still very original: parang brain teaser nga lang talaga kapag masakit ang tiyan mo. *kikopals, eto talaga ang picture ko ng toilet nang magCR ako sa hong kong..* Dumiretso agad ako sa lamesa ko para kumain, at sakto namang dating ng order ko. Grabe iyung Chao Fan nila, napakarami ng serving, hindi siya katulad ng serving sa Chowking na bibitinin ka talaga. Dito pang isang pamilya ang serving nila, kahit na nagiisa ka lang. Nagka-problema na naman ako sa mga Chinese na ito nang humingi ako ng tubig dahil ubos na ang Coke ko. Wala ni isa man lang sa buong restaurant na iyon ang nagsasalita ng English, o kahit nakakaintindi man lang. Kaya ayun, problemado na naman ako kung paano hihingi sa waitress ng isang basong tubig. “..uhm Miss, excuse me..” sabi ko nang mapadaan ang waitress sa harap ko. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. “..can I have a glass of water, please?..” Tinitigan lang niya ako sabay shrug ng balikat: ibig sabihin, hindi niya ako nainitindihan. Nayamot na naman ako sa mga nangyayari, nagsabay ang uhaw at init ng ulo. Napakamot na lang ako ng ulo at nagpatuloy sa pagkain. Nang naubos ko na ang kalahati ng order kong Chao Fan, sumubok ulit ako na humingi ng isang basong tubig. Pero imbes na magsalita at sabihin ulit ang linya ko kanina, tinawag ko na lang ang waitress at tinuro ang ‘mineral water’ sa menu. “..ahh, shui..” sagot ng waitress at tumangong naka-ngiti. Hindi ko alam kung ano yung sinabi niya pero natuwa naman ako dahil finally, nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Pero may bumabagabag pa rin sa utak ko, na may mali doon sa ginawa ko. Pagbalik ng waitress sa akin, may hawak siyang mineral bottle. Ayun, doon ako nagkamali: hindi libreng tubig ang nahingi ko. Napailing na lang ako. “..Putang’na naman, ang bo-bobo niyo, bwisit!..” sabi ko sa sarili. Kahit naman isigaw ko sa buong restaurant yung sinabi ko, wala rin naman makaka-initindi sa akin unless may Pinoy akong kasama sa loob. Nadagdagan tuloy ng fifteen dollars ang bill ko. Lumabas na ako ng restaurant para pagpatuloy ang paglilibot sa plaza. Napadaan ako doon sa isang builiding na may orasan, seven na pala – teka, seven na? Shit, malayo pa uuwian ko! Nagmadali akong bumalik sa kung saan ako binaba ng taxi kanina. Agad naman akong nakakuha ng taxi at nakarating ako ng harbour bago mag-eight. Nakaalis ako ng Macau ng eleven dahil wala pang available na ferry at nakarating ako ng Sheung Wan ng mga twelve. Wala nang MTR noon at nagbus na lang ako hanggang Tung Chung. Paalam Macau, pasensya na at hindi ko masyadong na-apreciate ang ganda mo dahil sa kinulang ng oras. Babalik ako diyan minsan, lalo na yang Venetian Hotel. Bye! | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:14 pm | |
| Chapter Eight: Endless, a silent whisper... ‘..Our vast religions won’t help us answer what was pre-destined for us to have since long ago it’s hopeless, the world it turns with us. Hold me in closer, don’t let go of me. Now we close our eyes and let go to the night, the night we feel alive. Is this the beginning of our last dance? Once around the floor, can we do it again? I feel the thrill from words we say; I love you...’
Tanghali na ako nagising kinabukasan, marahil dahil sa sobrang pagod mula sa mahabang byahe kahapon sa Macau. Buti na lang nakabili ako ng sweetened ham kahapon sa Macau habang pauwi dahil wala akong barya sa hundred dollars. Dahil naiwan ko ito sa backpack ko at hindi nailagay sa ref, kinain ko na kaagad ito kahit hindi ininit dahil tinatamad akong kumuha ng frying pan at magprito. Inatake na naman ako ng katamaran dahil sa pagod at puyat kahapon. Dalawampung minuto akong nakatambay sa may terrace ng condo habang kumakain ako ng hamong hindi ininit. Iniisip at inaalala ko ang mga nangyari sa byahe ko kahapon, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang mga nakita ko sa Venetian hotel. Ay, buti naalala ko – ilalagay ko nga pala ang mga pictures ko sa Macau sa laptop ko. Oras na para ipost nag mga picture na ito sa Friendster at ipagmayabang sa mga taong akala ay Mindoro lang ang napuntahan kong malayo.
Pagbukas ko ng computer, nakita kong online ang babaeng nakausap ko two days ago sa Yahoo Messenger. Automatic kasing nagsa-sign in ang account ko everytime na bubuksan ko ang laptop. Inisip ko kung kakausapin ko siya, baka kasi mamaya mag-away lang kami. Matagal akong kinikindatan ng cursor ko sa laptop, inaantay akong magsalita at magumpisa ng usapan; maganda man ang kahihinatnan o hindi. “..musta?..” sabi ko sa kanya sabay nag-‘buzz’ ako. Wala pang isang minuto, nagreply agad siya. “..Ely boy!!..” sagot niya na may emoticon pang nakangiti. ‘Ely boy’ ang tawag niya sa akin sa sobra kong pagka-idolo sa Eraserheads frontman Ely Buendia, at siya lang ang may tawag sa akin na ganun. Nahinto lang yun nang magkaroon ng conflict between sa aming dalawa. Pero ngayong bumalik ang ‘Ely boy’ na tawag niya, mukhang balik na ulit kami sa dati. Sa wakas. “..hehe na-miss ko yan ha?..” sabi ko. “..ako nga rin eh..ui may balita nga pala ako sayo na I’m sure ikakabaliw mo..” sabi niya sa akin na may kasamang emoticon na naka-dila. Kinakabahan na ako. “..ano yun?..” “..may headset ka ba diyan?..tatawagan na lang kita sa YM mo..” kinabit ko yung headset ko sa laptop at nag-hello siya sa akin. Damn, ang ganda pa rin ng boses niya, nakakamiss. “..ano yun?..” tanong ko sa kanya. “..may reunion concert ang Eraserheads sa August 30 sa The Fort..too bad, nasa Hong Kong ka..” sagot niya sa akin. Natahimik ako ng ilang segundo, matagal ko na kasing inaantay yun, tapos kung kailan wala ako sa Pilipinas, saka mangyayari. Nakakainis naman. “..ANO?!..” tawa lang siya ng tawa. Uminit ang ulo ko pero hindi nagtagal, napalamig ng tawa niya ang init ng ulo ko. Wala pa ring pagbabago: everytime na naririnig ko ang boses niya, nagiiba takbo ng mundo ko. Ang pangit na eksena, gumaganda. Ang nakakainis na pangyayari, nawawala. “..hay, alam mo ba namiss ko yang boses mo..yung boses mo na malumanay lang..” sabi ko. “..hush, binola mo pa ako..anyway, kamusta na ang buhay mo diyan sa Hong Kong..” “..uhm okay naman..” kinwento ko ang mga ‘escapade’ ko mula noong day one ko dito sa Hong Kong. “..ay – may ise-send ngapala ako sa iyo na mga pictures..tingnan mo bilis..” sabi ko habang sine-send ko yung mga picture ko noong nasa Macau ako. Habang inaantay namin parehong ma-send ang mga litrato, nagkwentuhan muna kami ng mga bagay-bagay na matagal nang nakaimbak para pagusapan. “..alam mo, napaginipan ko si Rider Black kahapon ng tanghali..” sabi ko sa kanya. “..oh?..anong nangyari?..” “..wala, nagpaalam lang siya..hindi ko na rin tinapos yung panaginip kasi nalulungkot lang ako..” “..sus, ano ka ba..minsan na nga lang manlibre yun, sa Congo Grill pa at Starbucks!..” sagot niya. Natahimik ako sa kinauupuan ko. “..t-teka, bakit alam mo din yun?..” tanong ko sa kanya. “..napaginipan ko rin siya kahapon eh..tinawagan din ako ng bespren mo ta’s kinwento niya yung panaginip niya tapos sinabi kong pareho kami ng napaginipan..ayun, so bale sabay-sabay nangyari un..” sabi niya sa akin. Ibig sabihin, napaginipan din ng mga kambal at ni ‘payaso’ yun? “..gago talaga yun, alam niyang takot ako sa multo ehh magpaparamdam pa!..” bulalas ko sa kausap ko. Bigla siyang tumawa ng mahina “..bakit ka tumatawa?..” “..haha wala lang, takot ka pa rin sa multo?..aba’y elementary pa lang tayo takot ka na, hanggang ngayong beinte-singko anyos ka na takot ka pa rin?..” “..uy grabe ka naman, beinte-dos pa lang ako!..” sagot ko. “..so marami ka palang alam tungkol sa akin, ano pang alam mo?..” tanong ko sa kanya. “..uhm marami-rami din naman, tulad ng alam kong music ang escape mo kapag sobra kang bored o sobrang problemado. Alam ko ring marunong kang mag-gitara, at kahit kaliwete ka, sinanay mo na sa kanan tumugtog ng gitara. At alam ko ring mahilig kang magbasa ng libro..” sabi niya. “..wow..” sagot ko sa kanya. “..ganoon mo pala ako kakilala..hehe astig!..” “..eh ikaw, anong mga bagay na alam mo sa akin?..” naging seryoso ang tono ng boses niya. “..uhm, wala eh..” sagot ko at pinipigilan kong tumawa. “..sabi na nga ba..sabi mo na ‘mahal mo ako’ dati pero wala ka namang alam ni isang bagay tungkol sa akin..” biglang lumungkot ang boses niya. “..‘eto naman oh, hindi na mabiro..syempre marami din..” “..tulad ng ano?..” tanong niya sa akin. “..tulad ng alam kong mahilig ka din sa music, at karamihan ng mga paborito mo eh alternative rock..alam ko rin na halos maiwan mo na yung isang naging boyfriend mo sa SM North Edsa nang dumaan ang vocalist ng Slapshock sa harap mo, patay na patay ka kasi doon..” sabi ko. “..huy grabe ka naman!..hahaha!..fan lang ako ng Slapshock kaya ganun, hindi naman dahil lang sa vocalist..hehe..” sagot niya na halata mong defensive. “..pareho lang un noh..” sagot ko na medyo seryoso ang tono ng pananalita. “..okay, sige..patay na kung patay..ano pang alam mong hayup ka?..” “..alam ko ring varsity ka ng basketball noong highschool pa tayo..kaya pala nung mga buwan ng September eh hindi kita makita sa klase’t nagpa-practice ka pala..” marami pa akong sinabi na mga bagay na alam ko tungkol sa kausap ko. Tuwing magsasabi ako ng mga nalalaman ko, natatawa siya: samantalang dati nung nanliligaw pa ako, malaman ko lang na nasa ganitong lugar siya, sasabihan na niya ako ng ‘eh anong pakialam mo?’ “..ang dami mo namang alam, hindi kaya ‘stalker’ kita?..” sabi niya. “..nyek!..ako, stalker mo?..” sabi ko. “..bakit mo naman nasabing stalker ako?..” “..well, kasi marami kang alam sa akin..may iba kang alam na dapat mga kaibigan kong babae lang ang nakaka-alam; so ayun, stalker ka..yuck, stalker!..hahaha..” asar niya sa akin. “..hmm kung ganoon nga ang definition ng stalker na alam niya lahat ng bagay na ginawa ng taong mahal mo, na posibleng doon mo siya nagustuhan, well then maybe I am a stalker..” sagot ko na seryoso ang boses. Medyo natahimik siya, akala niya siguro na-offend niya ako. “..uy, na-receive ko na yung mga pictures..” bigla niyang iniba ang topic, siguro nga naisip niyang napikon ako sa sinabi niya. “..ang ganda, saan ito?..kailan ito?..” “..sa Macau, pumunta ako diyan kahapon..wala lang, bakasyon lang..” Tahimik ulit siya. “..galit ka?..” tanong niya sa akin sa isang maamong boses. “..hindi, bakit naman ako magagalit?..” “..wala lang, baka kasi na-offend ka sa sinabi kong stalker ka..” tama nga ako, yun ang iniisip niya. “..sorry na, akala ko kasi nagbi-biruan pa tayo sa oras na iyon eh..sorry..”
Nangi-ngiti ako sa kinauupuan ko: dati-rati, ako ang gumagawa sa kanya nito kapag may maliit na kasalanan ako sa kanya, yung tipong ‘super’ sorry. Kapag nagagalit kasi siya sa akin noon, lagi lang siyang tahimik. Yung tipong mababaliw ka kaiisip kung anong tumatakbo sa isip niya: a.) galit ba siya? b.) pinagtri-tripan ka lang niya? c.) nabo-bore na siya kasama ka? or d.) may tonsilitis lang siya. “..hindi, wala ito..hehe ikaw naman, naging seryoso lang ako, galit na..hehe naaalala ko pa noon: kapag tahimik ka, palagi akong nag-iisip kung anong problema..” sagot ko. “..huh?..ano namang iniisip mo?..” sagot niya na medyo sumigla ang boses. “..marami, halos mabaliw na nga ako kakaisip kung anong problema eh..may options pa nga ako noon pero hindi ko alam kung alin doon: : a.) galit ka ba? b.) pinagtri-tripan mo lang ako? c.) nabo-bore ka na ba kasama ako? or d.) may tonsilitis ka lang..hehe..” sabi ko sa kanya. “..haha!..oh, naiisip mo ‘yun?..masyado ka palang paranoid ‘pag tumatahimik ako noon!..” sagot niya sa akin at tinawanan ang mga sinabi ko. “..so ano yung tamang sagot sa A, B, C at D?..” tanong ko. “..uhm wala, kasi sa totoo lang, lagi akong napapaisip noon..lagi kong iniisip na sana totoo itong mga nangyayari..I mean, sana totoo nga na mahal mo nga ako dahil sa mahal mo talaga ako, hindi sa dahilang mahal mo ako dahil sa mahal lang kita..” Natahimik ako sa sinabi niya. “..totoo naman talagang mahal kita noon eh, hanggang ngayon kaya..” sagot ko. “..ows, talaga lang huh?..” sagot niya na parang pasigaw na biro ang tono. “..oo nga!..naalala mo pa ba yung time na binigyan kita ng card noong Valentines three years ago?..may nakasulat pa ngang ‘I like you, do you like me too?’ tapos may checkbox na ‘yes or no’..” “..haha..oo naman!..hindi ko kaya makakalimutan iyon..” sagot niya. “..hindi mo nga sinagutan iyon eh..tinago mo lang sa bag mo..” “..ay, sasagutan ba yun?..” biro niya. “..oo kaya!..so, anong sagot mo?..” tanong ko na nag-eexpect ng ‘yes’ for an answer. “..sagot ko?..” sabi niya at umubo kahit wala namang plema. “..uhm I don’t like you eh, so it’s a no..” sagot niya. Natahimik ako. Buong akala ko, kahit ‘hindi’ ang isagot niya, parang wala na lang sa akin kasi naka-get over na ako sa feelings ko para sa kanya. Hindi pa pala: masakit pa rin ang mga sugat ng nakaraan, baka matagalan pa bago mawala. “..huy, nandiyan ka pa?..” sabi niya. Gusto ko nang ibaba yung phone dahil bumabalik ang inis ko sa kanya. Oh dear Lord, baka bumalik ang ugali kong gustong mapiwara tulad ng dati sa inis! “..h-ha?..oo, nandito pa ako..” “..bakit natahimik ka?..” “..wala, naisip ko lang yung sinabi mo..kung sinabi mo kaagad sa akin noon, hindi na ako umasa na ‘yes’ ang sagot mo..sana hindi nagka-letse letse ang friendship natin..sana ---..” “..teka, ‘wag ka munang mag-drama!..” singit niya. “..hindi pa ako tapos ehh..hindi kita gusto eh kasi..” inulit pa niya talaga ang mga salitang ayokong marinig. “..oo nga, di’ba sinabi mo na ngang hindi mo ako gusto?..” matamlay na singit ko. “..kasi mahal kita..” dagdag niya.
Napangiti ako sa sinagot niya. Para akong si Popeye noon na nakakain ng Spinach at bumalik ang lakas. Sa wakas, narinig ko rin sa kanya ang sagot na halos tatlong taon kong hinintay. “..mahal din naman kita..” sagot ko na punong-puno ng sigla.
| |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:17 pm | |
| Chapter Nine: Name... ‘..Scars are souvenirs you never lose, the past is never far. Did you lose yourself somewhere out there? Did you get to be a star? Don't it make you sad to know that life is more than who we are.You grew up way too fast, and now there's nothing to believe and re-runs all become our history. A tired song keeps playing on a tired radio, and I won’t tell anyone your name. I won't tell 'em your name…’
Alas-siete na pala ng gabi, hindi pa ako kumakain. May hang-over pa ako sa usapan namin kanina ng babaeng halos ilang taon kong hinintay na sabihin niyang mahal rin niya ako. Sa wakas, nakuha ko rin ang matagal ko nang minimithi. Parang nage-echo pa sa tenga ko ‘yung mga salitang binitawan namin kanina, mga salitang nakakataba ng puso. Dali-dali akong nagbihis at bumaba sa 7-11 para bumili ng quick food; nakakatamad na kasing magluto, lalo pang para akong nasa cloud nine.
Bumili ako ng dalawang cup ramen na noodles, isang 1.5 na 7-up, at dalawang junk food na hindi ko maintindihan ang naka-sulat pero parang cheese flavoured siya. Pag-akyat ko ng condo, agad akong naginit ng tubig pang-cup ramen at sinet-up ko na yung mga seasonings ng noodles. Laking gulat ko nang pagbukas ko ng lid ng ramen, napaka-raming noodles ang serving nila. Nasanay kasi ako na maliit lang o konti ang serving ng mga cup noodles sa Pilipinas, kaya dalawa ang binili ko. Tamang-tama, baka online ulit siya mamaya, ‘saka ko na lang kakainin yung isa habang nagtsa-chat kami. Parehong beef pala ‘yung nakuha ko, sana magkaibang flavour para hindi nakaka-suya. Nang matapos ko na yung pagse-set up sa ramen, inilagay ko na muna yung soft drinks sa freezer para magko-kontrahan yung kakainin ko mamaya, mainit na mainit na sabaw ng pancit tapos nagyeyelong lamig ng 7-up.
Habang hinihintay na kumulo ang tubig, tumabay muna ako sa may terrace; ang lamig ng simoy ng hangin, mas malamig pa sa Bagiuo. Nakapikit kong sinasalubong ang hampas ng malamig na hangin sa mukha ko, dinadama ang kakaibang sarap ng hangin ng bansang Hong Kong. Sa gitna ng pagmumuni-muni ko sa terrace, nag-ring ang telepono na nasa may sala. “..hello, bunso?..” bati sa akin nung tumawag, si Nanay pala. “..oh ‘Nay, napatawag ka?..” bati ko kay Nanay. Malaki ang utang na loob ko kay Nanay, siya lang sa lahat ng mga kamag-anak ko ang umitindi sa akin. Kahit na abutin ako ng alas-dose ng tanghali sa tagal ng tulog ko dahil halos umaga na ako natutulog, hinihintay pa rin niya ako para sabay kami kumain. Naa-awa ako sa kanya kaya napagdesisyunan kong ibangon ang sarili ko para naman bago man lang niya kami iwan ni Ate at Kuya, natuwa siya sa akin dahil naipakita ko sa kanya na nakabangon ako mula doon sa inabot kong kamalasan – sa tulong niya. Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan, mga tatlong oras: kinamusta niya ako, si Kuya at yung pamilya niya, nagtanong kung anong meron sa Hong Kong na wala sa Makati, at nagbilin ng mga bagay na parating ginagawa ng magulang sa mga anak nila. Dati naiinis ako kapag binibilinan niya ako, pero ngayon hinahanap-hanap ko yung boses niyang nagsasabing huwag magpapatuyo ng pawis sa likod.
Habang nasa labas ako ng terrace at nagpapahangin, may napansin akong ingay mula sa labas ng pintuan ng condo unit ko; parang ingay mula sa hinahatak na stroller bag. Sinilip ko ito mula sa peep hole ng pintuan ko, may isang babae na maraming dala at ipapasok ‘ata ito sa isang kwarto. Nagpasya akong lumabas at tulungan siya dahil marami-rami din ang bubuhatin niya. “..good evening Ma’am, can I help you with these bags?..” bati ko sa babaeng kausap at sabay nag-alok ako ng tulong. “..uhm no, thanks..I can handle this...” sagot niya na may kasamang ngiti habang binubuhat ang malaking maleta. Pagtalikod ko, nakarinig ako ng malakas na ingay; nabagsak niya pala ang maletang hawak-hawak niya. Pagkatapos ko siyang tulungan, inaya niya akong bumili ng makakain sa 7-11 sa baba. Dito ko nalaman na isa pala siyang Pinay at kaya pumunta dito sa Hong Kong ay para magtrabaho bilang kahera ng kapehan sa may Citygate Mall sa tapat lamang ng condominium. “..saang lugar ka ba galing sa Pilipinas?..” tanong ko sa kanya. “..sa Pasig ako galing, sa may San Joaquin..” sagot niya sa akin. “..ikaw, saan ka naman?..” “..sa Makati naman ako, Bangkal..malapit lang sa Ayala..‘musta naman ang Pilipinas?..” tanong ko sa kanya. Lumabas kami at umupo sa hagdan ng isang monumento. “..ang ‘Pinas?..uhm ganoon pa rin..mahirap makakuha ng trabaho ang mga bagong graduate tulad ko, maraming patayan, holdapan at nakawang na nangyayari, at mahina pa rin ang piso..kaya nga ako ng Hong Kong ehh..” sagot ng kausap ko. Habang nagkwe-kwento siya, hindi ko napigilang titigan lang siya. Maganda siya, mga pang-miss universe ang dating pero simple lang siya pumorma; shirt and jeans lang tapos naka-sandals, naka-pony tail ang buhok at tadtad ng accessories ang mga kamay, rakista siguro. At ang napansin ko talaga sa kanya, parang boyish kumilos. “..tomboy ka ba?..” bigla kong natanong sa kanya nang hindi ako nagiisip. Pumikit ako, alam kong magagalit ito at pauulanin ako ng mga maaanghang na salita. Pero tumawa lang siya. “..haha bakit mo naman nasabi yan?..” “..uhm wala lang..kasi ‘yung pananamit mo hindi kikay, yung mangas ng shirt mo hanggang siko tapos ni-rolyo hanggang sa balikat, at iyung upo mo parang upo ko lang..hehe sorry..” “..haha okay lang ‘yun..” ngumiti siya nung tumingin ako sa kanya. “..sanay na ako sa ganyang hugsa ng mga tao sa akin..stereotyping nga eh, porke’t ganito ako pumorma eh tomboy na ako..” biglang lumungkot ang mukha niya. “..sorry talaga, hindi ko sinasadyang itanong..” sabi ko sa kanya. “..hindi, biro lang!..” sagot niya sa akin sabay hampas sa balikat ko. “..actually, medyo boyish nga ako nung elementary at high school..” “..eh nung college, babae na?..” tumahimik ulit siya at yumuko. “..oo..” nakaramdam agad ako. Alam kong ayaw na niyang pagusapan yun kaya hindi na ako nagtanong. “..ano nga palang course ang tinapos mo sa Pilipinas?..” iniba ko ang topic. “..ako?..hmm Information Technology ako eh..sa sobrang ‘in-demand’ nga ng course na pinili ko, wala nang bakanteng trabaho para sa tulad kong IT..badtrip, kaya ang bagsak ko cashier na lang ng bwiset na City Gate Mall na ‘yan..” sagot niya sabay turo sa katapat naming mall. “..di’ba ang layo ng kurso kong I.T sa pagiging kahera LANG?..aba kahit sinong gago kayang gawin yun eh..sa digital at multimedia pa naman ako nagfocus para – ‘Walt Disney Pixar’, here I come!..” dagdag niya. “..sabagay, may punto ka diyan..ako naman graduate ng HRM, maraming offer sa akin sa Pinas ng trabaho sa hotel pero lahat yun ti-nurn down ko..” “..no bullshit?..bakit?..ang hirap-hirap makahanap ng trabaho, tapos itu-turn down mo lang ang trabahong kusang lumalapit sa iyo?..man, you’re so baliw!..” gulat na gulat na tanong ng kausap ko. “..ha?..grabe ka naman, may problema lang ako noon kaya parang wala ako sa mood magtrabaho that time..” “..at ano namang problema yun at tinamad kang magtrabaho?..” sagot ng kasama ko habang naka-pamewang pa. “..uhm, sikreto ko na lang yun..okay na ako ngayon pero noon talaga, grabe yung impact ng problemang iyun sa akin..” yumuko na lang ako para bilang senyales sa kanya na ayokong sabihin sa kanya. Gusto kong ikwento pero since tapos na rin at naayos na, never mind na lang. “..ahh okay..tara, akyat na tayo?..” aya niya sa akin habang dinadampot yung mga kalat na pinagkainan namin. Umakyat na kami ng condo at sa may elevator, bigla niya akong kinausap. “..hindi sa nakiki-alam kao ha?..pero yung bang problema mo, tungkol pa sa love yan?..” tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at yumuko na lang ulit sabay ngiti. “..sabi ko nga eh, tatahimik na lang ako..sorry kung kinukulit kita ha, nacu-curious lang..” dagdag niya. Ilang segundo ring tahimik sa loob ng elevator, naghihintay kaming pareho siguro kung sinong kikibo. Pero papasok na kami sa mga kwarto namin ay wala pa ring kumikibo. Nasa loob na ako ng kwarto pero hindi pa sarado ang pinto nang tawagin niya ako. “..sorry nga pala ulit kung makulit ako..good night..” sabi niya na may kasama pang ngiti. Tumango na lang ako, pero nung sarado na ang pinto, napangiti rin ako.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil kailangan kong sagutin ang tawag ng kalikasan. Pagkalabas ko ng banyo, may kumakatok sa pinutan ko – siya pala. “..good morning, neighbour..sorry nga pala kagabi ha?..” bati niya sa akin kaagad nang buksan ko ang pinto. “..sorry?..kagabi?..” sagot ko na nagkukusot pa ng mga mata. “..sa pagtatanong ko sa’yo kung bakit ka depressed noon sa Pilipinas..sorry ulit..” “..ha?..ah ‘yun ba?..wala na ‘yun, nakalimutan ko na ‘yun..” sagot ko na may pilit na ngiting kasama. Tahimik ulit ang namagitan sa aming dalawa. “..ay s’ya ngapala, dinalhan kita ng isang cup ng mami..hindi nga pala ako nakapag-‘thank you’ sa’yo kagabi tungkol sa pagtulong mo sa akin sa mga gamit ko..thank you ulit..” “..ano ka ba, wala iyun noh!..alam mo naman tayong mga Pinoy, matulungin talaga sa kapwa kababayan..” sagot ko na nakangiti pa. Tiningnan ko ang dala niyang ramen. “..dalawa ba yan?..” “..yup..baka kasi kulangin ka eh..” “..haha!..sira, busog na ako sa isa niyan..halika pasok ka, tig-isa tayo..” inaya ko siyang pumasok ng condo ko, I mean sa Kuya ko pala. Pagpasok niya, agad siyang tumalikod at lumabas ng kwarto. “..bakit?..” tanong ko sa kanya habang pinipigilang isara niya ang pinto. “..shucks, naka-undies ka lang..mag-damit ka kaya muna eh noh?!..” halos sumigaw na siya sa sobrang inis at hiya. Natawa na lang ako. “..for your information: it’s called boxer shorts, parang mini-skirt niyong mga babae..bakit, do I make you horny?..” asar ko sa kanya. Bigla siyang humarap sa akin na magkasalubong ang kilay. “..ang kapal din ng mukha mo eh noh?..hala sige, huwag ka nang magbihis at ganyan ka na lang!..tingnan natin kung sinong hindi kumportable sa ating dalawa..” sagot niya habang papasok ng kwarto. Diretso ang lakad niya pero iwas pa rin sa uhh – below the belt part ng katawan ko. “..admit it, pare..” inaasar ko pa rin siya habang papaliko siya ng kusina. Narinig ko siyang bumulong ng “..feel mo naman ang ganda ng katawan mo..” at tumawa. | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:20 pm | |
| Chapter Ten: Vermilliion... ‘..She is everything to me, the unrequited dream, a song that no one sings, the unattainable. She’s a myth that I have to believe in, all I need to make it real is one more reason. I don't know what to do, I don't know what to do when she makes me sad. But I won't let this build up inside of me…’
Makalipas ng ilang minuto, kinain na namin ang biniling instant ramen ng mabait kong bagong kapitbahay. Tahimik kaming dalawa habang kumakain, kaya ako na ang gumawa ng magandang pagusapan dahil nakakabingi din ang sobrang tahimik. “..para sa tanong mo kabagi, tama ka..love nga ang dahilan kung bakit bumagal takbo ng buhay ko noon..” Bigla siyang humarap sa akin at nagulat sa sinabi ko na naubo pa siya dahil kakasubo lang niya ng pancit. Naging curious ang expression ng mukha niya at nagsimula na ang interview. “..oh?..bakit?..” tanong niya sa akin, pero agad din niyang binawi nang hindi ako makasagot ng ilang Segundo. “..but it’s okay kung ayaw mong pag-usapan, sorry ulit..” “..ano ka ba, kita mong sumusubo ako ng pancit eh!..” bulalas ko. “..handa ka na ba sa isang mahabang talakayan?..” biro ko sa kanya. Binaba niya ang unan na nasa hita niya at sumaludo siya sa akin sabay ngiti. “..yes!..” sagot niya, at inumpisahan ko nang magkwento. “..three years ago, may nakilala akong babae na kaibigan-slash-kaklase ng barkada ko..nung una parang dedma lang ako kasi by that time I didn’t find her interesting..pero habang tumatagal, parang gusto ko siyang makilala kaya lahat ng communication ways ginawa ko para makapagkilala ako ng maayos: sa Friendster, sa Multiply, sa Yahoo Messenger, lahat na ‘ata ng online something hinanap ko siya..at siguro dahil sa determination ko na makilala ang babaeng yun, binigay din sa akin ng tropa ko ‘yung number niya in one condition – kailangan magbigay ako sa kanya ng isang rare na DVD ng sikat na actress mula Japan..” “..si Song Hye Kyo?..” “..korean ‘yun eh..” sagot ko. “..si Sora Aoi..” nung una, curious pa rin ang expression ng mukha niya, pero nang tumagal ay parang nagiging gulat na ang hitsura niya. “..shucks, iyun?!..eh di’ba porn actress ‘yun?..” “..correct kaya dahil nga sa – teka, bakit kilala mo yun?..” tanong ko sa kanya. “..i have my reasons..continue, please..” sagot niya sa akin nang nakangiti. Napangiti na rin ako. “..anyway, so ayun, naghagilap talaga ako ng DVD noon sa mga pekeng DVD stands sa Manila: sa Greenhills, sa Quiapo, sa Divisoria, at sa mga bangketa pero wala akong nakuha. Buti na lang nandiyan yung kaibigan kong IT noong college at dinownload na lang namin yung DVD..tapos ayun, binigay na sa akin yung number ta’s the rest is history..mga six months pa lang kaming magkaibigan, parang nahuhulog na ako sa kanya pero hindi ko sinabi kasi alam kong magkakailangan kami subsequently. At after one year ko pa nasabi sa kanya ‘yung mga nararamdaman ko sa kanya para at least, alam ko na baka by that time ay mutual na ang nararamdaman namin sa isa’t-isa..pinayagan naman niya akong manligaw pero umabot ang ligawan stage pa lang ng two years..” “..two years?..” gulat niyang tanong. “..ambagal mo namang manligaw!..” “..hindi ah, hindi sa nagmamayabang pero kada linggo o buwan, may ginagawa akong sweet para sa kanya: like romantic dinner, petals of roses on her bed, bigla na lang akong magaabot ng roses sa kanya – mga ganoon..tanggap ko naman na umabot ako ng two years ng panliligaw kasi para sa akin, test ‘yun para malaman niya na talagang sincere ako at totoo ang nararamdaman ko sa kanya..pero ang masama doon, sa dalawang taon kong panliligaw ay nagkaroon ako ng tatlong karibal --..” “..bakit, selos ka?..haha..” singit niya. “..hindi pa kaya ako tapos, sumisingit ka agad eh..nagkaroon ako ng tatlong karibal pero lahat sila sinagot niya..mantakin mo; tatlo-apat na linggo lang na nanligaw, three letters ang palaging sagot niya samantalang ako two years of courting ay palaging four letters..” “..four letters?..” “..yep, four letters – won’t, don’t..pero hindi pa rin ako sumuko, tuloy pa rin ako sa panliligaw kahit na sinasabi na ng mga tropa ko na wala akong mararating..tinigil ko na nung isang beses sinabi niya sa akin na mahal na rin niya ako sa wakas at konting panahon na lang ang hihintayin ko pero wala pa rin at niloko lang ako..” “..pa’nong niloko?..” “..Valentines day noon, tinext ko siya na magkita kami sa Greenbelt para magdate..may thought sa utak ko noon na this is the day I’ve been waiting for almost two years kaya binonggahan ko ‘yung plano ko..pero nagtext siya sa akin the last minute na hindi raw matutuloy kasi bigla siyang inatake ng dysmenorrhea..balak ko naman para hindi masayang ‘yung pagod ko at effort, dadalawin ko na lang siya sa bahay niya..pero laking gulat ko nung nakita kong nasa labas siya ng bahay niya, nakabihis..lalapitan ko sana nang may sumunod sa kanya na lalaki, nakayakap agad ‘pag sarado nito ng gate ng bahay..alam mo ‘yun, bigla akong natulala sa nakita ko – parang nasa in-denial stage pa ang utak ko..nirereject niya yung nakikita ng mata ko at iniisip na isang masamang bangungot lang ang nangyayari..ta’s ayun, dahil tulala ako ay hindi ko napansin na papalakad pala silang dalawa sa kung saan ako nakatayo..nakita niya ako nun, gulat siya tapos ako napaiyak na lang at sabay walk-out..” napansin kong tahimik ‘yung kausap ko, marahil nakikidalamhati sa nangyari sa akin.. “..alam mo, loko din ‘yung babaeng iyun..” bigla siyang nagsalita. “..hindi niya man lang naapreciate yung mga ginagawa mo para sa kanya..hindi man lang niya na-realize na ang swerte pala niyang babae, kapalaran na ang lumalapit sa kanya tinatanggihan pa niya..” Tapos kinwento ko rin na nagkaayos din kami nung babae kinaasaran niya, sinabi ko na pareho din pala ang nararamdaman naming sa isa’t-isa; nahihiya lang siyang umamin kasi akala pinagtri-tripan ko lang. “..ahh, pero hindi pa rin magbabago isip ko..in my book, isa siyang masamang tao..” sagot niya na may kakaibang tono. “..eh ikaw, wala ka din bang ganoong experience?..” tanong ko. Bago pa man siya nakasagot, agad siyang tumayo pagkatapos niyang tumingin sa orasan. “..shucks, magna-nine na pala!..male-late na ako sa first day ko..sige, maiwan muna kita ha, papasok lang ako..” at bigla na siyang umalis ng kwarto. Naiwan ako na nagliligpit ng mga kinainan namin. Sa wakas, nailabas ko rin ang mga gusto kong sabihin sa kahit sinong handang makinig sa akin. | |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:23 pm | |
| Chapter Eleven: You oughta know... ‘..'cause the love that you gave that we made wasn't able to make it enough for you to be open wide. And every time you speak her name does she know how you told me you'd hold me until you died, ‘till you died -- but you're still alive! And I'm here to remind you of the mess you left when you went away. It's not fair to deny me of the cross I bear that you gave to me! You, you, you oughta know.…’
Gabi na nang may kumatok ulit sa pinto ko, nagbabalik siya para makipag-kwentuhan ulit. “..ayos ah, ginagawa mong tambayan ‘tong kwarto ko..” kantyaw ko. “..eh malungkot kasi sa kwarto ko eh, ako lang mag-isa..ta’s alam ko namang hindi ka dadalaw sa akin kaya heto, ako na lang ang dumadalaw sa’yo..hehe..” sagot niya habang papasok ng kwarto. “..oh, kamusta naman ang first day sa work?..” tanong ko habang pumwe-pwesto kami sa sala. “..hay naku, nightmare I tell you!..” bulalas niya. “..dahil isa akong foreigner sa bansang ito, hindi ako marunong mag-Chinese kaya English ang sinasabi ko..aba siguro mga 85% ng mga sinerve kong customer, hindi ako maintindihan!..” tawa na lang ako ng tawa sa kinwento niya. “..ba’t hindi ka kasi nag-aral muna mag-Chinese bago ka lumuwas dito?..” tanong ko. “..tol, ang Hong Kong ay isang sibilisadong bansa..maraming turista ang pumupunta dito kada linggo..kaya dapat marunong silang makipag-communicate sa mga turista para mas tumaas ang turismo ng Hong Kong..” reklamo niya. Talagang mainit ang ulo niya kaya inalok ko muna siya ng maiinom. “..gusto mo softdrink?..7-up?..” alok ko habang papunta ng kusina. “..wala ka bang uhm beer d’yan?..” tanong niya sa akin. “..uhm meron, San Miguel Pale Pilsen..” “..wow, may San Mig pala dito sa Hong Kong?..” Pagbalik ko sa sala, agad kong kinwento ‘yung mga nangyari sa akin noong mga unang araw ko dito sa Hong Kong. Mga miseries at katuwaan na katulad ng naranasan niya. “..naranasan ko din yan, dati kumain ako sa KFC..” “..bakit, anong nangyari?..” tanong niya habang umiinom ng beer. “..ganito kasi un, kumain ako sa KFC diyan sa may City Gate Mall noong second day ko dito..by the way, alam mo bang walang kanin sa lahat ng menu ng fast food dito sa Hong Kong?..:” tinitigan niya ako with a blank expression. Maya-maya, biglang nagtrigger ulit ang inis niya. “..ano?!..walang kanin?..anong kakainin ko dito, kapayat-payat ko na nga wala pang kanin?..” ang dami pa niyang sinabi, pero nakatingin lang ako sa katawan niya. Tinitingnan ko kung payat nga ba talaga siya. Natawa na lang ako kasi anong payat ang sinasabi nito, eh ang seksi nga niya? “..payat ka ba?..ang seksi mo nga eh..” “..seksi?..” bigla siyang natigilan. “..oo nga, parang Coke kaya ang hubog ng katawan mo..” sabi ko sa kanya na parang may pagka-manyak ang tono ng boses ko.Natawa siya at hinampas niya ako sa balikat. “..sira, hindi kaya!..” hinawakan niya ang kamay niya sa may bandang pulso at pinakita sa akin kung gaano nga siya kapayat. “..tingnan mo nga oh, mas malaki pa nga ung bilog ng beer na ‘to kesa sa akin..” dagdag niya. “..huy, exaggerated ka naman!..” natawa ako sa pahayag niya. Nagkaroon ulit ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, animo’y may dumaan na isang multo at nanigas ang aming mga labi. Bigla kong naalala yung usapan namin kaninang umaga. “..hindi mo nga pala sinagot ‘yung tanong ko kaninang umaga..” “..alin?..” “..tinanong kita kung nangyari din pa sa iyo ‘yung nangyari sa akin..” bigla siyang tumahimik at unti-unting lumulungkot ang mukha. “..oops, sorry foul..hehe..” “..hindi, sige ike-kwento ko na..” bumwelo na siya sa isang mahaba-habang kwentuhan. “..uhm naalala mo ba ‘yung sabi ko sa’yo kagabi ‘ata yun na boyish ako noong pagkabata hanggang sa nag-college ako?..nung freshman – or woman ako noon sa East Asia sa may FEU, may nanligaw sa akin na varsity ng basketball..okay naman siya: mabait, matalino, gentleman, may hitsura, okay pumorma at magaling talagang magbasketball – at mambola..at ‘ung unang tatlong sinabi ko, sa una lang pala ‘yun..” “..so, naging kayo?..sinagot mo ba siya?..” singit na tanong ko. “..uhm yes, sinagot ko siya two months after niya akong niligawan..dahil nga galling lang ako sa pagiging ‘boyish’, wala pa akong experience tungkol sa mga ganoon bagay – kaya madalas niya akong nauuto..kapag nagaaway kami at siya ang may kasalanan, siya pa ang nagagalit..tapos kapag ako naman ang may kasalanan, siya pa rin ang nagagalit!..ang labo di’ba, parang wala akong karapatang magalit kapag siya at ako ang may kasalanan.. pero mayroon siyang isang major atraso sa akin..monthsary namin noon – ay mali, a night before our 4th monthsary noon tinanong ko siya kung anong gagawin naming kinabukasan..at kagulat-gulat ang sinagot niya sa akin noon..” “..ano ‘yun?..” curious kong tanong sa kanya. “..sinabi niya na gawin daw naming ang ginawa ng mag-asawa – yung sex daw..” nagulat ako sa sinabi niya. “..dahil daw sa nagmamahalan kami, gawin daw naming ang tunay na ginagawa ng mga nagmamahalan..” “..so ---- pumayag ka??..” “..hindi, hindi pa kasi ako ready noon..tapos nagalit siya bigla at binabaan niya ako ng phone..tapos after an hour, tumawag siya ulit – nagsosorry at sinabi joke lang daw..magkita na lang daw kami sa Music Warehouse kaya doon na ako pumayag..so kinabukasan, nagkita nga kami sa Warehouse at we danced all night long..akala ko noon, magiging okay na kami after nitong araw na ito pero gaya ng sabi ko – akala ko lang pala ‘yun..nalasing ako noon sa iilang bote ng San Mig Light at nang mawalan na ako ng malay, dinala niya ako sa isang motel malapit doon at hinalay niya ako..” lalo akong nagulat sa sinabi niya. Parang naputol bigla ang dila ko’t hindi nakapagsalita. “..dahil sa mahal ko siya, hindi ko siya isinumbong sa mga pulis..tapos a week after mangyari ‘yun, nakipag-break siya sa akin at nakita siya ng bestfriend kong may ibang kasamang babae..ang sakit ako?..” humihikbi na siya. “..okay ka na ba ngayon?..” tanong ko pero iba ang sinagot niya. “..he just shakes my world up after I think I've reached solid ground, its a miserable after effect....but so joyous when its happening..I laugh though, cause maybe he doesn't see it, but all he is is a hypocrite..but there are moments that I look back on: moments where I was so sure it was real..I guess it was all just a really good illusion but what amazes me the most is how you can walk away when you were never really here to start with..he was gone before I ever said goodbye..so that all being said, it was fun while it lasted and I thank him for the rejection and pretending to be 'different'..another lesson learned..I hope he’d find what he is searching for and let it be what he deserve..I would have never done him wrong and I never would have put a knife in his back, despite the knives in mine..I would never have turned my back on him, I'm not that kind of person. So I hope he know what he lost..” natahimik ako sa sinabi niya, pero umpisa pa lang pala iyun. “..its that wonder that hurts the most..if its goodbye, he should be a big boy and say it..I'm a big girl, I'll be just fine, just stop wasting my time..the weakest excuse a man has for hurting a woman is that he DIDN'T want to hurt her..all I ever wanted from him was the honest truth: I don't care how much he thought it might hurt me, its what I deserve..the pessimist in me says that he'll probably just brush this off..he really don't need any baggage in his new relationship and all, but then, she’s more his type than I..she looks easy, which the coward like him prefers..” bigla na lang may luhang tumulo sa mga mata niya. Pati ako, gusto na ring umiyak at makiramay sa mga problema niya. “..may I curse the day that he put himself in my life and find joy in the day that he’s out of it, checkmate, gameover, I quit..I wanted to strike him -- fight with him -- say all the things in my head and make him listen. But then I blinked and it all passed and I realized that honestly, he’s not worth the trouble but it hurts, oh it does: because I feel betrayed..Its not the fact that he’s not with me that hurts, its the fact that I was lied to and tossed aside like I didn't matter..he made me feel like nothing, and for one fleeting moment, I believed it..he made me promise that I would never do him wrong but Isn't it odd how in the end it was him who did me wrong?..you really are just like him, ‘cause not a month ago he was telling me all these things that made my stomach a flutter of butterflies: they still haunt me -- alot of things haunt me. But just like him: they were all lies..but don't dare tell me that he still want to be my friend..thats like having your dog die and your mom telling you that you can still keep it --really, I'd rather not have a rotting carcass sitting in my bedroom..all in all, I'm really glad its all over..I really was growing weary from it all and I'm glad he found someone whom he can 'be' with..pity though, I was probably too good for him anyway..I feel sort of sorry for him -- why?..karma does far better dirty work than I ever could..nothing like a cold knife in the heart to wake him up to the cruelness of reality..I felt liberated today: I burned his letters, threw his necklace into the woods, and for the first time -- he called me and I didn't answer..maybe if he would have called last week, maybe I'd still care..maybe if he would have called months ago, maybe I'd still be there..but he didn't, and I don't..he didn't, and I won't..I'd stab him in the heart if I knew it would ease my pain..One day he’ll gonna turn around and I won't be here..but then, I probably would still be there -- waiting for him to turn around..have you ever met someone that you are certain you are soulmates?..maybe they are right, maybe they are perfect for us but that doesnt mean it was supposed to happen..I guess thats the hardest thing to realize..If he’s not ready to be with anyone right now then why the hell he’s looking for a new one?..sometimes I'd rather be used than invisible..have you ever poured your heart out and sat and waited for his response?..” natigilan siya at nag-isip. “..nakalimutan ko naranasan mo din pala..thats the most miserable experience, right?..you dread reading his response but pray to God he responds..is it bad when I want him to call just so I can not answer?..theres an emptiness in my soul once again by someone who forgot me who promised me they wouldn't..I'm too bright for his darkness yet in the back of mind it will always echo, ‘why are you settling for me when there are so many girls out there that are better than I?..I want to ask him, but I'm more afraid to know the answer..scars are reminders: they aren't always visible but you know they are there..but not only that, you need them..you need to be reminded of how bad love can suck..why?..so you can appreciate it when it doesn't..time passes so slowly when the only thing you have to do is wait..he was my salvation –” tumigil siya ng ilang segundo. “..and my destruction..” at tuluyan na siyang umiyak.
| |
| | | ~kEi Admin
Number of posts : 958 Age : 35 Location : sa mundo ng kawalan.. Job/hobbies : tagahugas ng itl*g ng kabayo.. Registration date : 20/09/2008
| Subject: Re: Hong Kong.. Sun Mar 01, 2009 1:26 pm | |
| Chapter Twelve: She will be loved... ‘..It's not always rainbows and butterflies; it's compromise that moves us along.My heart is full and my door's always open, you can come anytime you want. I don't mind spending everyday, out on your corner in the pouring rain. Look for the girl with the broken smile, ask her if she wants to stay awhile -- and she will be loved...’
Maaga akong nagising, mga quarter to eight – may bisita kasi ako ngayon. Agad ko siyang pinuntahan sa kwarto ng anak ni Kuya dahil doon ko siya dinala nang malasing na siya ng tuluyan sa sama ng loob sa mga ala-alang nangyari sa kanya. “..gising na, gising na pare..” sabi ko na may malumanay na boses. Gulat pa rin ako at walang masabi sa kinwentong experience niya sa larangan ng pagibig. Parang napaka-walang hiya naman ng lalaking gumawa sa kanya ng ganoong kapangit na karanasan, balang araw maka-karma din ito. “..huh?..nasaan ako?..” gising na pala siya. “..nandito sa kwarto ko, ang dami mo kasing nainom kagabi kaya hindi mo na kayang lumakad at dito ka na nag-collapse..” sagot ko. Tumingin siya sa akin na parang may ibang ibig sabihin. “..huwag kang mag-alala, wala akong ginawang masama sa iyo..” ngiti kong sagot sa kanya. Tumayo na siya at dumiretso sa sala para mag-unat unat. “..huy, pasensya ka na sa abala ha?..” sabi niya. “..haha, okay lang yun ano!..dapat nga ihahatid kita sa kwarto mo kagabi nung matapos na tayo kaya lang – hehe ‘yung susi mo kasi nasa breast pocket ng shirt mo, baka mamaya nagkamalay ka bigla at pagisipan mo pa akong masama..hehe..” biro ko. “..haha!..hindi ko naman nararamdaman kung may gumagapang sa katawan ko eh..so malaya ka sanang gawin ang anumang nais mong gawin..” “..sayang naman!..” biro kong sagot sa kanya. Umalis na siya ng kwarto at pumunta na sa kabila para magbihis at pumasok na sa trabaho. Bago siya tuluyang bumababa ng condo, nagpaalam muna siya sa akin. “..shangapala parekoy, bukas day-off ko..saan ba may bilihan dito ng mga murang damit, parang Divisoria?..” tanong niya sa akin. “..sa Tsim Sha Tsui, du’n ako bumili ng damit ko nung nakaraang linggo eh..” sagot ko. “..s-saan yun?..” napakamot siya ng ulo. “..sige, samahan kita bukas..” sagot ko habang nagbubuhos ng mainit na tubig sa ramen ko. “..sige!..” masaya siyang sumagot sa akin at bumaba na siya ng condo. Napangiti na lang ako at kumain na lang ng almusal ko. Puro na ako cup noodles dito, baka puno na ng wax ang katawan ko.
Tanghali na ng maisipan kong mag-log in sa Yahoo Messenger, baka sakaling online siya. Kahit sabihin na nating may bago akong friend at nalilibang na ako sa kanya kahit na dalawang araw pa lang kami magkakilala, nami-miss ko pa rin siya. Kaya lang sa kasamaang-palad, offline siya. “..aw, sayang wala siya..” bulong ko sa sarili. Maya-maya may lumitaw na IM window. “..kamusta na?..” siya pala, invisible pala ang status niya. “..hoy!..hehe ayus lang naman ako, ikaw?..bakit naman naka-invi ka pa?..” “..marami kasing nangungulit eh, mga kaibigan ko sa mga probinsya ni Lola..hindi ko sila kayang i-accommodate eh..hehe..” sagot niya na may smiley pang kumikindat. “..by the way, I’m fine naman..I started working at IBM Makati yesterday, at masaya naman ako sa posisyon ko kahit nakalimutan ko kung ano ‘yung inapplayan ko..hehe..” “..hay, makakalimutin ka pa rin..” asar ko sa kanya. “..good for you, pagbutihin mo diyan ha?..” Nagkwentuhan pa kami ng matagal na tungkol sa bagay-bagay, mamaya napasok ang tungkol sa kapit-kwarto at bago kong kaibigan. “..baka naman ipinagpapalit mo na ako sa kanya ha?..” sabi niya. “..haha, hindi pwede ‘ata yun!..ikaw lang ang nagiisa para sa akin..” binola ko pa siya. Kinwento ko sa kanya ang mga pinagusapan namin kagabi, ‘yung tungkol sa walang-hiyang ex-boyfriend niya. “..oh?..kawawa naman siya..buti nakaka-kaya pa niyang mabuhay na magisa, ‘yung tipong parang walang nangyari?..” react niya. “..kaya nga eh, bilib nga ako sa lakas niya eh..kung sa’yo nangyari ‘yun, anong gagawin mo?..” “..bakit, ikaw ba ang gagawa?..” biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “..huy, hindi ah!..bakit ko naman gagawin sa’yo yun?..” bulalas kong sagot. “..’eto, hindi na mabiro!..uhm siguro mababaliw na ako kasi ibinigay ko ang lahat doon sa lalaki; kaluluwa, puso, pati mismo katawan ko binigay ko na pero ginago lang ako..baka maging man-hater na ako buong buhay ko..” sagot niya. “..hmm ‘yun nga rin ang ine-expect kong gagawin niya sa nangyari sa kanya, pero wala pa rin eh – jolly pa rin siya, makulit at para ngang walang nangyari..” biglang may kung anong pumasok na scenario sa utak ko: what if ---?.. “..uhm matanong nga kita, what if kung nangyari din sa’yo yun at AKO mismo ang may gawa?..” “..paano ba ‘yung eksena, ganoon pa rin ba ang nangyari sa atin at ngayong alam mong mutual pala ang nararamdaman natin sa isa’t-isa, gaganti ka?..or katulad ng sa kanya na sobrang mahal kita pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa’yo ang pagmamahal mo sa akin?..” “..kahit alin doon..” sagot ko. Ang tagal niyang mag-reply sa tanong ko, at makalipas ng limang minuto, sumagot na rin siya. “..siguro, mababaliw ako..sa scenario number one na nadagdagan ng vengeance, iisipin ko na karma ko na lang iyun pero mababaliw pa rin ako..kung sa scenario number two naman, hindi ko alam..”
Agad kong sinabi sa kanya na kunwari lang naman ang naisip ko at hindi ko gagawin yun sa kanya. Matagal pa kaming nagkwentuhan hanggang sa umabot kami ng hapon. Nagpaalam na siya dahil may pasok pa siya at ako naman ay naisipan kong magkape. Agad-agad akong nagbihis at bumaba sa may City Gate Mall para uminom ng kape, hinahanap-hanap na ulit kasi ng katawan ko ‘yung caffeine ng kape eh. Pagpasok ko ng coffee shop, nakita ko agad ang bago kong kapit-kwarto na nagse-serve ng kape sa mga customer. At gaya ng mga ginagawa ko kapag nakakakita ako ng mga kaibigan kong marangal na nagtra-trabaho, pinagtripan ko siya. “..excuse me, I would like to order a cup of capuccino..” nagulat siya nang makita niya akong umo-order sabay ningitian ako. “..one capuccino Sir..that would be twenty-five dollars..” iaabot ko na ang thirty dollars nang ‘kunwari’ ay nagbago ang isip ko. “..hmm, I changed my mind..I would like to order mocha frappuccino..” sabi ko sabay ngiti. “..okay, that would be thirty-five dollars..” “..wait, uhm strawberry frappe na lang..” bigla akong napatagalog. Medyo tumaas ang kilay niya sa kakulitan ko. “..that is also thirty-five dollars..” nagiba bigla ang tono ng pananalita niya. “..wait, cancel that order..just give me one chocolate chip, dine in..” natatawa na ako sa ginagawa ko -- halata mo kasing naiinis na siya. Bigla siyang kumuha ng tissue at ballpen, animo’y parang may sinusulat sa tissue. Maya-maya, iniabot niya sa akin ‘yung tissue na may nakasulat na ‘YARI KA SA AKIN MAMAYA SA CONDO’. Natawa na lang ako at umorder na lang ng isang frappe. “..hanggang anong oras ka diyan?..” pabulong kong tanong sa kanya. “..hanggang five pa ako dito..” sagot niya habang inaabot ang inorder kong frappe. Sa labas ako umupo para manigarilyo at para panoorin ulit ang mga batang naliligo sa fountain kapag mga ganitong oras. Masaya ko silang pinapanood habang nakikinig sa aking Ipod na ang kanta ay “Masaya” ng bandang Bamboo. Saktong-sakto ang timpla ng kanta sa mga nangyayari sa paligid ko: kulay dilaw ang buong paligid dahil sa kulay ng araw kapag ito’y lumulubog, marami kang mga ngiting nakikita sa mukha ng mga taong nakakasalubong mo, may ibang magkayakap at magkahawak ang kamay dahil sila’y nagmamahalan, at nakaka-relax ang nakikita ng iyong mga mata – maiisip mo nga naman na ang buhay na kahit na gaano karami ang pagsubok ay ganyan talaga, masaya.
Makalipas ng isang oras, nagpasya akong bumalik ng condo para magpahinga at kumain na rin. Papasok na ako ng elevator nang may sumigaw ng pangalan ko, siya lang pala. “..napa-aga ako ng uwi hehe..” bati niya sa akin sabay hampas sa braso ko. “..sira ulo ka kanina ha?..pinagti-tripan mo ako!..” sinagot ko na lang siya ng isang malakas na tawa. “..pasalamat ka hindi na ako badtrip nung oras na ‘yun!..” “..bakit, anong nangyari?..” “..well as usual, mayroon na naman akong customer kanina na hindi kami magka-intindihan..” “..haha!..so anong ginawa mo?..” “..eh ‘di nakipag-palit ako sa staff na malapit sa akin..hehe bahala siya dun!..” sagot niya sa akin. “..tuloy ba tayo bukas?..” tanong niya pagkabukas ng pintuan ng elevator. “..oo naman..” sagot ko. “..shangapala, ‘yung sinasabi kong lugar eh night market nga pala yun..” “..sa gabi lang nagbubukas?..” Tumambay muna kami sa may pintuan niya para pagusapan ang lakad bukas. “..yup, dalawa kasi ‘yung pinagbilhan ko ng damit noon: sa Tsim Sha Tsui at sa Mong Kok..” “..ano namang difference nila?..wait, let me guess – ‘yung Mong Kok, bukas ng umaga?..” “..correct, pero ‘yung Mong Kok parang mall siya dahil fixed ‘yung price, hindi ka pwedeng tumawad..unlike sa Tsim Sha Tsui parang Divisoria na pwede kang tumawad..” kwento ko sa kanya. “..so, mamili ka..” “..uhm, sabihan na lang kita bukas..” sagot niya at nagba-bye na kami sa isa’t-isa. Naghahanda na ako ng aking mga gagamitin pampaligo nang mapaisip ako sa mga nangyari kagabi. She’s seems to be a jolly and friendly girl, and such things like that happens to her. She don’t deserve it, pero bilib pa rin ako sa katapangan niya. Kung sa akin nangyari ‘yun, malamang mababaliw ako – literally. Malamang nasa Mariveles mental ward na ako ngayon o tinali ng magaling kong kapatid sa puno ng manga sa may amin. Pero siya, tuloy lang ang buhay: tinuloy ang pag-aaral, nagtra-trabaho pa rin, at nangangarap pa rin na balang araw, darating din ang taong magmamahal sa kanya ng wagas. Don’t worry my friend, someday it’ll come. | |
| | | kiko_iska Newbie..
Number of posts : 2 Age : 35 Location : bangketa Registration date : 17/06/2010
| Subject: Re: Hong Kong.. Fri Jun 18, 2010 6:16 pm | |
| san na yung kasunod? hehe | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Hong Kong.. | |
| |
| | | | Hong Kong.. | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |
|